Kamakailan ay inanunsyo na ang M4 roster ng ONIC Esports. Ginawa ito isang araw matapos ianunsyo ng RRQ Hoshi ang kanilang roster para sa pinakamalaking MLBB event.
Nag-iinit pa rin ang ONIC Esports. Matapos ang kanilang MPL ID S10 championship at pagkapanalo sa MPLI 2022, naglalagablab pa rin ang Yellow Hedgehog team para sa paparating na M4 World Championship sa January.
Matapos mabigo noong nakaraang taon sa parehong event, malinaw na ayaw na itong maulit ng ONIC. At bilang paghahanda ay naging mas kumpleto na ang kanilang koponan sa lahat nang aspeto.
Sa M4, isa ang ONIC sa mga inaasahang teams na magkakampeon. Hindi ito magiging madali, ngunit malaki ang tulong ng impluwensya nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at coach na si Paul Denver “Yeb” Miranda.
ONIC Esports M4 roster hindi nagbago
Tulad ng RRQ Hoshi, dadalhin ng ONIC ang parehong roster na nagdala sa kanila sa MPL ID S10. Ito na marahil ang kanilang pinakamalakas na squad, sinasabi rin na mas balanced sila kumpara sa RRQ Hoshi.
Walang itinuturing na kapitan sa ONIC dahil sa regular na pagbabago pagdating sa strategy sa pagitan nina Samoht at Kiboy, pati na rin nina Drian at Sanz.
Sina Sanz, Kiboy, Drian, SamoHt, Butsss, CW, at Kairi ay magtutulong-tulong upang maibalik ang tropeyo ng M Series pabalik sa Indonesia bilang opisyal na roster ng ONIC Esports para sa M4. Isang trio rin ng mga coaches, na binuo nina Coach Yeb, Aldo, at Mars, ang gagabay sa kanila.
Sa opisyal na roster, nakalista si Mars bilang manager dahil pinapayagan lamang ng Moonton ang isang team na magkaroon ng isang coach at isang analyst para sa tournament.
Kaabang-abang ang nakahandang ipakita ng ONIC sa paparating na tournament. Sila na ba ang tatanghaling kampeon ng M4 sa Istora Senayan? Sa puntong ito, ang masisiguro lang natin ay napakalakas ang M4 roster ng ONIC Esports.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.