Papalapit na ang main stage ng M4 World Championship. Simula ngayong Linggo, 16 sa pinakamahusay na MLBB teams ang maglalaban-laban sa playoffs para makuha ang trono ng world championship. 

Ang ONIC Esports bilang isa sa mga representatib ng Indonesia ay may malaking tsyansa mauwi ang winning trophy. Pinapaniwalaan ang MPL ID S10 champion na isa sila sa pinakamalakas na kandidato para maging kampeon.  

Maraming rason kung bakit dapat maging isang championship candidate ang Yellow Hedgehog team. Ito ang mga iilan sa kanila.  

Ang rason kung bakit maaring manalo sa M4 ang ONIC Esports 

Solid na formation sa lahat ng prontera 

MLBB ONIC Esports
Credit: ONIC Esports

Isa sa mga iilang teams ang ONIC Esports na regular ang pag-rotate ng players.  

Ang mga iba’t-ibang lineups na pinrepresenta nila ay kayang gumana nang walang halong awkawrdness na kadalasang nakikita sa mga teams na paiba-iba ng rosters.  

Isinasagawa nila ang rotation sa midlane side. Malawak ang kanilang pagpipilian, nandiyan sina Sanz at Drian bilang midlaners, at sina SamoHt at Kiboy sa roamer side.  

Para naman sa ibang roles, halos perpekto na ang team na ito. Isang beteranong captain ang EXP Laner na si Butsss na dinepensahan ang ONIC simula pa MPL ID Season 6. Hindi rin siya nagpapakita ng drop sa kaniyang performance sa lahat ng kaniyang mga laro.  

Nandiyan rin si CW na kilala bilang isa sa pinakamahusay na gold laners ng Indonesia na hinirang sa national team roster ng Indonesia. Ang jungler naman na si Kairi, ay masasabi nating lahat ay may pwesto na sa tuktok ng jungler pyramid ng mundo.  

Pabor ang long battle sa ONIC Esports 

MLBB ONIC Esports
Credit: MPL ID

Kadalasang binabatikos ang ONE Esports sa kanilang pagkabigo sa short Bo1 battle. Ngunit hindi maitatanggi na mayroon silang kakaibang stamina sa mga mahahabang duels.  

Noong araw na napanalunan nila ang MPL ID S8, nagtagumpay si Butsss cs kahit na 12 games na ang pinagdaanan nila bago nito.  

Isinasagawa ng M4 format ang Bo5 sa playoffs at makakatulong ito sa ONIC Esports. 

Malawak na hero pool 

MLBB Heroes
Credit: Moonton

Maaring hindi mo naisip na isa ang ONIC Esports sa mga may pinakamalawak na hero pools sa MPL ID S10. Kung ikukumpara sila sa RRQ Hoshi, isang team na kilala sa kanilang pag-master ng maraming heroes, mas angat pa rin ang ONIC sa kanilang total na 45 unique picks.  

Maliban pa riyan, ang kanilang level of mastery ay hindi biro. Lahat ng mga heroes na lumalabas sa kanilang drafts ay nagagamit ng mga players para manalo nang manalo.  

So far 14 heroes ang kanilang pinakita sa group stages. Marami pang heroes ang maari nilang gamitin kung kinakailangan nila ito. Ang team na haharap sa kanila ay tiyak na mahihirapan pumili kung sinong hero ang kanilang i-ba-ban.  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa M4 at MLBB.