Sa papel, karapat-dapat na makuha ng ONIC Esports ang top seed sa kanilang grupo sa M4 World Championship. Kung ganun man ang mangyari, posible na makatapat nila ang isang malaking balakid sa unang round pa lang ng playoffs.
Kasama ng ONIC sa Group B ang Todak, Malvinas Gaming at MDH Esports. Hindi isang eksaherasyon na sabihing kayang-kaya ng Yellow Hedgehogs na umarangkada sa upper bracket ng M4. Ngunit pagdating dito, may potensyal na makatapat agad nila ang isang matikas na koponan.
Kung makakapasok sila bilang top team ng Group B, maaari nilang makabangaan ang runner-up ng Group C na malaki ang tsansa na ECHO o RRQ Hoshi. Kung runner-up naman sila ng kanilang pangkat, makakasagupa nila ang numero uno sa Group A na posibleng Blacklist International o Falcon Esports.
Sa panayam ng ONE Esports, idiniin ni ONIC Esports coach Ronaldo “Aldo” Lieberth na hindi sila nababahala sa posibleng sitwasyon na ito. Aniya, target nila na magkampeon kaya dapat handa sila na makaharap ang kahit sino sa kahit anumang bahagi ng torneo.
“Ya sudah lah ya. Yang penting mindset-nya itu harus diubah. Kalau misalnya ingin juara, pastinya nanti harus siap melawan siapa pun juga (Ang mahalaga dito ay dapat baguhin namin ang aming mindset. Kung gusto naming manalo, dapat handa kami na makalaban ang kahit sino),” saad ni Aldo.
“Jadi mau ketemu tim mana pun di ronde pertama, kedua, atau di mana pun, ya sudah lawan saja. Kalau memang ingin sampai final kan bakal lawan semua juga, jadi ya harus terima dan siap saja (Handa kami makalaban ang kahit anong koponan sa una, ikalawa o anumang round. Kung nais talaga naming makaabot sa finals, kakalabanin din namin lahat kaya kailangan naming tanggapin at dapat laging ready).”
Ang posibleng hadlang sa ONIC Esports bago pa man ang M4 playoffs
Bago pa man pag-usapan ang tatahakin sa M4 playoffs ng ONIC Esports na pinagbibidahan ni Pinoy jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol, maganda ring suriin ang kanilang tsansa sa Group B kung saan sila ang paboritong mangibabaw.
Maglalaro sila dito ng best-of-1 match laban sa Todak, Malvinas Gaming, at panghuli MDH Esports. Kung titignan ang mga nakalipas na resulta, Todak ang posibleng dumali sa kanila.
Sa huling apat na pagtutuos kasi nila, nagtala ang ONIC ng dalawang panalo, isang tabla at isang talo. Bagamat liyamado, ang huling dalawang beses na hindi sila nanalo kontra Malaysian reps ay nangyari noong M3 (0-1) at MSC 2022 (1-1).
Sa madaling salita, may tsansa na maging balakid ulit sa kanila ang Todak, lalo pa’t sila ang una nilang kalaban at BO1 ang sistema sa group stage.
‘Di naman pinagsawalang-bahala ni Aldo ang posibilidad na ito.
“Kita juga tahu di Group Stage M4 formatnya BO1. Jadi dengan hanya sekali ketemu siapa pun bisa terpeleset kapan saja. Jadi kami respect dengan semuanya [tim di Grup B] (Alam namin na BO1 ang format sa M4 group stage. Maaaring madulas ang kahit sino. Kaya nirerespeto namin ang lahat na nasa Group B).”
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Mobile Legends news, guides at updates.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Verdi Hendrawa ng ONE Esports Indonesia.