Benta sa MPL Indonesia fans ang ginawang entrada ng ONIC Esports papunta sa match kontra EVOS Legends sa Week 7 ng MPL Indonesia Season 10

Sa live video broadcast ng MPL ID, naaliw ang mga miron sa entrance nina Coach Denver “Yeb” Miranda, Kairi “Kairi” Rayosdelsol at kabuuan ng Yellow Hedgehog team pumunta sa arena sakay ng isang bajaj, isang popular na transportasyon sa Jakarta na katumbas ng tricycle sa Pilipinas.

Credit: ONE Esports

Ngunit hindi lamang sa pagsakay sa three-wheeler papunta sa venue ang paaliw na ginawa ng ONIC Esports. Kasabay din nilang inihandog sa live audience ang 2-1 pagpapatumba sa White Tigers para tuluyang umalagwa sa regular season standings.

Pinakauna ang MPL ID S8 champions sa mga koponan na nakaselyo na ng playoff slot, at upper bracket spot dala ng magnipikong style of play katuwang pa ng malawak na hero pool. Kaya naman, paborito ang koponan ngayon na mag-uuwi ng kampeonato ng MPL ID.


Pagsakay ng ONIC Esports sa bajaj, may kahulugan ba?

Credit: ONE Esports

Isa sa mga rason kung bakit mataas ang viewership ng MPL sa Indonesia ang ginagawang pakulo ng mga magkakalabang teams bago at pagkatapos ng kanilang matches. Ito rin ang rason kung bakit sa post-game press conference ay binusisi ng media kung may rason nga ba ang hindi pangkarinawang entrance ng ONIC Esports papunta sa arena.

Sambit naman ni Coach Mars sa press, wala daw ibig sabihin ang ginawang gimik ng koponan. “It was a spontaneous idea, there was no specific purpose. It’s just fun,” ani ng ulo ng team.

Palagay naman ng iba, sinyales daw ito ng pananatiling mapagkumbaba ng team bagamat nasa rurok na ng Mobile Legends eksena sa bansa. May kahulugan man o wala ay ginawa nitong mas kaaliw-aliw ang panonood ng eksplosibong aksyon sa MPL ID.



Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Ano ang kailangan ng EVOS Legends para makabangon sa MPL ID S10? Heto ang payo ni Coach Yeb