Isa ang ONIC Esports sa mga pag-asa ng indonesia na muling maiuwi ang M Series trophy. At dahil sa magandang takbo ng kanilang karera sa M4 World Championship, malaki ang kanilang tsansa na masungkit ang inaasam na kampeonato.

Hindii maitatanggi ang lakas ng hedgehog squad nang magwagi sila sa MPL ID S10. Naging swabe ang kanilang takbo sa regular season, at maging sa playoffs ay walang naging malaking balakid sa kanilang pagiging kampeon.

ONIC Esports
Credit: ONE Esports

Natalo man sila sa RRQ Hoshi na naging dahilan ng kanilang pagbaba sa lower bracket, nakabawi naman sila matapos manalo sa score na 4-1 sa grand finals.

Maging sa M4 ay maganda ang ipinapakita ng ONIC Esports. Bagama’t natalo sila sa TODAK sa kanilang opening match, nagawa pa rin nilang mag-init at ipanalo ang mga natitrang laban.

Isa sa mga pinakamaganda nilang nagawa ay nang pababain nila sa lower bracket ang championship candidate na Falcon Esports sa score na 3-0. Dito ay mas naramdaman ng marami ang lakas ng pwersa ng koponan.

Mga kailangang gawin ng ONIC Esports upang matalo ang ECHO

Nakatakda nang makaharap ng ONIC ang isa sa mga pinakamahirap na kalaban sa M4. Sasagupain nila ang itinuturing na pinakadelikadong team sa tournament, ang ECHO.

KB
Credit: ONE Esports

Sadyang nakakabilib ang performance ng Filipino team sa M4. Walang pag-aalinlangan sa mga nakuha nilang tagumpay na nagpapakita ng lakas ng koponan pagdating sa gameplay, gameplan, macro, at micro.

Tinanong ng ONE Esports ang caster analyst na si Mochammad Ryan “KB” Batistuta tungkol sa kung paano magwawagi ang ONIC laban sa ECHO sa kanilang paparating na laban ngayong Thursday, January 12, at ito kanyang mga sinabi.

  • Iwasan ang pagkakaroon ng error
ONIC Esports M4 World Championship
Credit: ONE Esports

“When it comes to ONIC, don’t just make a mistake. They’re the team that has made the rarest mistakes in MLBB history. The message remains to be ONIC with few mistakes against ECHO,” sabi niya.

“ONIC Esports may have made a mistake, but they are smart to cover up the mistake in their own way.”

“ONIC Esports’ strategy against ECHO can be 180 degrees different than when facing Falcon Esports. Falcon is the type of team that likes to hit teams with defensive strategies, while ONIC and ECHO are both aggressive,” sabi ni KB.

  • Huwag pabayaan si BennyQT
ECHO M4 World Championship
Credit: ONE Esports

Ang ECHO gold laner na si Benedict “BennyQT” Gonzales ang pinaka kapansin-pansin na player sa koponan kung pagbabasehan ang kanyang mga nagawa sa tournament. Sobrang OP ng Karrie niya. Hindi lang ang kanyang mechanics ang nakakabilib, kung hindi pati na rin ang kanyang farming, positioning, at koordinasyon sa kanyang team.

“BennyQT stands out because he rarely loses laning phases. Even when he lost because of a wealth of experience, he knew what to do. That’s BennyQT’s main spotlight. Karrie will probably be the target of ONIC’s tires later,” sabi ni KB.

  • Huwag hayaang mag-rotate si Sanford
ECHO Sanford M4 World Championship
Credit: ONE Esports

Maliban kay BennyQT, malaking problema rin ang 16-year-old EXP laner na si Sanford “Sanford” Vinuya. Ito ay dahil sa kanyang mapanganib na movement at hindi inaasahang rotation.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Muhammad “Butsss” Sanubari na madalas niyang makaharap sa scrim ang Filipino EXP laner at kumpyansa siyang kaya niya itong talunin.

Mapapanood ang laban sa pagitan ng ECHO at ONIC Esports sa official YouTube channel ng Mobile Legends: Bang Bang.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.