Kasalakuyang nasa tugatog ng Mobile Legends eksena ang ONIC Esports. Pagkaraang dominahin ang MPL Indonesia Season 10, sunod na nakalawit ng koponan ang MPL Invitational 2022.

Testamento ang dalawang magkasunod na kampeonato sa lakas ng koponan, partikular na sa kanilang chemistry at gameplay. Ngunit sa likod ng mga palakpakan matapos kunin ang tropeyo ng MPLI 2022, marami ang nangangamba sa kanilang ipapakitang performance pagpasok ng M4 World Championship sa Enero.

Ito ay dahil sa binansagang “MPLI Curse” kung saan bigo ang mga nanalong teams sa torneo pagdating sa M World Series, ang pinakamalaking Mobile Legends event ng taon. Unang nabiktima ng nasabing sumpa ang Alter Ego na pagkaraang hirangin na kampeon ay bigong makuha ang tropeyo sa M2.

Hindi rin ito bago para sa ONIC Esports na pagkaraang makalawit ang tropeyo noong 2021 ay maagang napauwi sa M3.

Gayunpaman, tiwala si Ahmad “Coach Mars” Marsam na hindi ito magkakatotoo pagdako ng M4, dahil nauna nang mapigilan ito ng Geek Fam ID.


Coach Mars, ONIC Esports tiwalang ‘di gagana ang ‘MPLI Curse’ sa M4

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Coach Mars matapos ang matagumpay na kampanya sa MPLI 2022. Tiwala ang beterano na makakaya ng kaniyang ONIC Esports na malampasan ang anumang sumpa na idinidikit sa pagkakapanalo ng MPLI.

“Indeed, yesterday many people said that the winner of MPLI would play poorly on M4. But this time, we are confident that we can break the myth. After all, the myth that the MPLI runner-up will win the M4 has stopped now,” sabi ni Mars kasama si Aldo.

Credit: ONIC Esports

Malaking sinyales daw na hindi magkakatotoo ang sumpa dahil kung hindi MPLI champion ang nanalo sa M World Series, ang mga runner ups ang nakakalawit nito tulad ng Bren Esports at Blacklist International.

Dahil Geek Fam ID ang nakatapat nila sa naganap na Grand Finals ay siguradong hindi runner-ups ang magwawagi sa prestihiyosong event sa Jakarta ngayong Enero. Ito ay dahil hindi naman makakalaro ang koponan ni Allen “Baloyskie” Baloy sa nasabing kumpetisyon dahil hindi sila ang kinatawan ng MPL Indonesia dito.

Kaya naman, hindi rin daw nag-alangan ang ONIC Esports na ipakita ang kanilang pinakamahusay na laro sa torneo, lalo pa’t magbabago naman daw ang meta sa pagpasok ng M4.

Credit: ONE Esports

“We are not at all afraid that META will be read on M4 because it’s all out at MPLI. After all, there will be a new patch before M4. It has absolutely no effect,” sundot naman ni Butss tungkol dito.

I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga eksklusibong content tulad nito!

BASAHIN: Agaw-atensyon ang draft strategy na ‘to ng ONIC Esports sa MPLI 2022