Disaster para sa King of Kings ang hatid ni Adi “Acil” Asyauri nang maganap ang unang Royal Derby sa ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID Season 11).
Matatandaang nagbalik sa ONIC Esports si Acil bilang assistang coach ni Denver “Yebmaester” Miranda matapos umalis sa RRQ Hoshi. Bagamat hindi pa agad nakasalang noong unang linggo ng regular season, agad naman niyang pinatunayan ang kanyang ambag nang walisin nila ang tropa nina Albert “Alberttt” Iskandar pagdako sa ikalawang linggo.
Dahil sa resulta, hindi naitago ng assistant coach ng RRQ Hoshi na si Petra “Fiel” Giovanni ang kanyang pagkasiphayo sa kanilang pagtatapat ng dating katrabaho.
- Heto ang saloobin ni OhMyV33nus sa pagiging all-time assists leader sa MPL PH
- Ganito kalaki ang impact ni E2MAX bilang coach ng Smart Omega
Ang saloobin ni Fiel matapos talunin ng ONIC ang RRQ sa tulong ni Acil
Inamin ni Fiel na pahirap ang dala ng presensya ni Adi sa entablado habang suot ang jersey ng ONIC Esports, at hindi ng RRQ Hoshi. May impact pa rin daw ang paglisan ni Acil, pero palalakasin lang daw ng talong ito ang King of Kings.
“Ya, Adi ini memang merepotkan sebenarnya (ditambah) dia pindah ke sana (ONIC) lagi. Pasti ada (dampak ke RRQ) karena sebelumnya saya sudah benar-benar lama bekerja dengan dia. Anak-anak sudah dari season 7, saya bersama dia dari season 8,” paliwanag niya.
(Sakit sa ulo talaga ‘yang si Acil, lalo na’t bumalik siya sa ONIC. Makaka-apekto talaga ‘to sa RRQ, lalo na’t matagal ko siyang nakatrabaho. Kasama na niya ang mga player simula Season 7, habang noong Season 8 lang ako nagsimula).
Bagamat hindi niya itinangging nabasa ng ONIC ang galawan ng RRQ, idinahilan din ni Fiel ang ginagawa nilang paghahanda para sa national team selection.
“Kalau menyiapkan sesuatu (sebelum pertandingan) pasti kami siapkan sesuatu supaya tidak di-counter oleh ONIC Adi. Namun, kembali lagi saat ini jadwal latihan kami tidak terlalu banyak apalagi beberapa pemain sempat dipanggil Seleknas,” aniya.
(Kung maghahanda ka, ihanda mo ‘yung hindi kaya kontrahin ni Acil. Pero sa ngayon, hindi pa puno ang aming training schedule, lalo na’t may mga player na hinuhugot para sa National Select.)
Matapos ang ikalawang linggo ng regular season, tanging ang ONIC Esports pa lang ang nakakatalo sa RRQ Hoshi.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Life Coach Pheww? Ito ang maipapayo ng kapitan ng Bren sa TNC para malagpasan ang lose streak sa S11