Nagbabalik ngayong 2021 ang ONE Esports MLBB Community Tournaments!
Ngayong taon, bukas ang torneo sa mga manlalaro mula Singapore, Malaysia, Indonesia, at Philippines na may edad 13 pataas.
Ang lingguhang MLBB community tournament ay magsisimula sa Indonesia at Philippines sa Hunyo 18, habang ang huling palaro naman ay magaganap sa Agosto 21.
Ang mga ONE Esports MLBB community tournaments para sa Singapore at Malaysia naman ay mangyayari sa October.
Tampok sa bawat palaro ang US$225 prize pool, na mahahati sa US$150 para sa mananalo, at US$75 naman para sa runner-up.
I-grind ang leaderboard at manalo ng Diamonds at Skins
Bukod dito, ang mga indibidwal na manlalaro ay itatampok din sa buwanang skill-based leaderboard. Sa katapusan ng bawat buwan, ang mga manlalarong nasa tuktok ng leaderboard ay makatatanggap ng Diamonds at Skins.
- Top 10 players: 1,500 Diamonds each
- ika-11 hanggang ika-100th na puwesto: Raffle entry para sa 1 (isang) skin
Makatatanggap din ng points ang mga manlalaro base sa kung gaano kalayo ang inabot nila sa bawat torneo.
- Round of 256: 1 point
- Round of 128: 2 points
- Round of 64: 3 points
- Round of 32: 4 points
- Round of 16: 5 points
- Round of 8: 6 points
- Semi-finals: 7 points
- Runner-up: 8 points
- Winner: 9 points
Kailangan mag-provide ang mga interasong manlalaro ng kanilang IGN, user ID, at server ID sa Battlefy upang manalo ng leaderboard prizing.
Ang mga ONE Esports MLBB community tournaments ay bukas para sa lahat ng manlalaro sa kahit anong skill level, kahit pa Mythical Glory ka na, hindi makaalis sa Epic, o nagsisimula pa lang maglaro.
Ang kumpletong detalye tungkol torneo at direksyon kung paano mag-register ay matatagpuaan dito.