Nagbabalik ang ONE Esports MLBB Community Tournaments muli para sa 2021! Ngayong taon, ang mga tournaments ay bukas para sa players sa Singapore, Malaysia, Indonesia, at Pilipinas, para sa mga may edad 13 pataas.
Magsisimula ang Weekly MLBB Community Tournaments sa Indonesia at Pilipinas sa June 18, at tatakbo hanggang August 21.
MLBB Community Tournaments para sa Singapore at Malaysia nama’y magsisimula sa October.
Bawat tournament ay may kasamang prize pool na US$225, kung saan US$150 ang mapupunta sa winners, at US$75 naman para sa mga runners-up.
Umakyat sa Leaderboard at manalo ng Diamonds at Skins
Dagdag pa dito, bawat player ay maaring ma-feature kada buwan sa skill-based na leaderboard. Sa dulo ng buwan, ang mga player na nasa taas ng leaderboard ay mananalo ng diamonds at skins.
- Top 10 Players: 1,500 Diamonds each
- 11th hanggang 100th place: Pasok sa raffle para sa isang skin.
Maari ding manalo ang mga players ng points base sa kanilang tinagal sa bawat tournament:
- Round of 256: 1 point
- Round of 128: 2 points
- Round of 64: 3 points
- Round of 32: 4 points
- Round of 16: 5 points
- Round of 8: 6 points
- Runner-up: 8 points
- Winner: 9 points
Bawat player ay dapat mag-handa ng kanilang IGN, user ID, at server ID sa Battlefy para maging eligible sa leaderboard prizing.
Bukas ang ONE Esports MLBB Community Tournaments para sa players sa lahat ng skill level, kung ikaw ma’y Mythical Glory o papaakyat pa lang sa Epic, o kahit kakasimula mo pa lang sa game.
Nandito ang lahat ng detalye ng tournament, pati na rin ang mga steps para makapag-register.
Basahin: EVOS Lynx Pica nilahad ang pinakamagandang daan para maging female MLBB pro player