Ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH Season 11) playoffs ay gaganapin mula May 4 hanggang 7 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Sa pagtatapos ng walong linggong regular season, ang nangungunang anim na koponan ay maglalaban-laban para sa dalawang slot sa paparating na MLBB Southeast Asia Cup 2023 na nakatakdang ganapin mula June 10 hanggang 18 sa Cambodia.
Nakataya din ang titulo ng kampeonato at ang malaking bahagi ng U$150,000 na prize pool.
Ang mga world champion teams na Bren Esports, ECHO, at Blacklist International ay nakakuha na ng pwesto sa playoffs.
Isang linggo na lang ang natitira, nasa karera pa rin ang RSG Slate PH, ONIC PH, Smart Omega, at Nexplay EVOS para sa tatlong natitirang slots. Ang TNC ang unang koponan na yumuko sa playoff contention.
Siguraduhing merong tickets para sa MPL PH Season 11 playoffs
Maaaring bumili ang mga fans ng early bird tickets simula April 4 sa pamamagitan ng website at app ng opisyal na ticket merchant ng liga, ang Ticket2Me.
Ang mga early bird tickets ay nahahati sa dalawang kategorya: Legend at Mythic.
Sa Legend ay maaaring panoorin ang lahat ng laban sa unang dalawang araw ng playoffs habang sinasaklaw ng Mythic ang huling dalawang araw, na kinabibilangan ng grand finals.
Ang pagbili ng early bird ticket ay makakatipid sa iyo ng hanggang PHP300 kumpara sa pagbili ng mga match passes. Mayroon din itong libreng MPL PH-themed tote bag at lanyard para sa bawat ticket na bibilhin.
Ang mga regular na tiket ay ibebenta sa Week 8, kung saan ang match at day passes ay magiging available.
TICKET | PRICE |
Early bird ticket (Legend) | PHP899 |
Early bird ticket (Mythic) | PHP1,199 |
Ang mga attendees ay kailangang fully vaccinated at mangangailangang magpakita ng patunay on-site. Ang mga unvaccinated individuals, mga buntis, mga batang nasa ilalim ng pitong taong gulang, mga taong may malalang sakit, at mga alagang hayop ay ipinagbabawal.
Ang mga menor de edad na pito hanggang 14 na may mga legal aged guardians at senior citizens ay kakailanganing pumirma sa isang waiver. Kinakailangang magsuot ng face mask sa lahat ng oras sa venue.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.