Magkakaroon ng panibagong representatib ang Myanmar sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023) ngayong June.  

Ang Fenix Esports, isang team na wala pang karanasan lumahok sa kahit anong major international MLBB tournaments, ay nagkaroon ng mahusay na performance sa MSC qualifiers at nakasungkit ng kanilang spot bilang natataning representatib ng Myanmar sa opisyal na mid-season tournament ng MLBB.  

I-rerepresenta ng Fenix Esports ang Myanmar sa isang major international Mobile Legends tournament 

MLBB Fenix Esports MSC 2023
Credit: Moonton

Nagpakita ng kahanga-hangang husay ang Fenix Esports sa playoffs noong natalo nila ang fan-favorite na Falcon Esports sa kanilang kauna-unahang laro. 

Parehas ang lineup ng Falcon Esports sa lineup nila noong nag-qualify sila para sa MSC 2022 at M4 World Championship, kung saan umabot pa sila sa playoffs. 

Ngunit nagtapos ang kanilang journey noong natalo sila ng AI Esports sa lower bracket final na nag-set up ng thrilling grand final sa pagitan ng Fenix Esports at AI Esports. 

Naging isang back-and-forth ito para sa dalawang teams sa grand finals, kung saan nakakuha na ng komportableng 3-1 lead ang Fenix matapos ang apat na pinaghirapang games.  

Na-extend ng AI Esports ang serye sa anim na laro matapos ang isang intense na 18-minuto na bakbakan sa game five. Sa final game, nag-draft ng isang wombo-combo lineup ang Fenix na sina Atlas, Yve, at Beatrix, habang sinagot ito ng AI Esports sa isang tanky lineup na sina Gloo, Fredrinn, at Khufra.  

Bagamat nagmukhang dominante ang AI Esports sa early game, nakahabol ang Fenix pasalamat kay Beatrix.  

Ngunit noong pang-20 minuto ng laro, napatay ng Fenix ang Lylia at Khufra ng AI Esports sa kanilang base, at lahat ng limang miyembro ng Fenix ay pumunta sa Evolved Lord para makakuha ng kinakailangan nilang buff.  

Sinubukang I-contest ito ng AI Esports ngunit hindi sila nagtagumpay, at dahil sa kanilang Evolved Lord, na-wipeout ng Fenix ang kabilang team ang napanalo nila ang serye.  

Maliban sa slot sa MSC 2023, nanalo rin ang Fenix Esports ng tumataginting na MMK10 million (US$4,761.80) na prize pool. 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB at MSC.