Opisyal nang nagpaalam ang RRQ Hoshi sa Filipino coach na si Michael “Coach Arcadia” Bocado.

Sa gitna ng ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia, inanunsyo ng organisasyon na magpapahinga muna ang dalawang coaches ng koponan na sina Arcadia at Petra “Fiel” Giovanni.

Ang anunsyo ay lumabas matapos magtala ang koponang pinalalakas ni Albert “Alberttt” Iskandar ng tatlong sunud-sunod na talo noong ika-apat na linggo ng regular season.

Coach Arcadia, opisyal nang pinakawalan ng RRQ Hoshi
Credit: Moonton

Maikling panahon matapos nito, nagpakilala ang RRQ Hoshi ng bagong coach, si Regi “NasiUduk” Kurniawan.

Ang mga napagtagupmayan ni Coach Arcadia kasama ang RRQ Hoshi

Coach Arcadia, opisyal nang pinakawalan ng RRQ Hoshi
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Nakuha ng RRQ Hoshi si Coach Arcadia mula sa ECHO noong nakaraang taon bilang paghahanda para sa ika-10 season ng MPL ID.

Napanatili ng Pinoy coach ang pagkakakilanlan ng tinaguriang Kings of Kings bilang isa sa pinakamalaking puwersa sa kanilang rehiyon at maging sa buong mundo.

Sa unang season ni Coach Arcadia, nagawa niyang dalhin ang Raja sa ikalawang puwesto ng MPL ID S10 para makasiguro ng tiket patungo sa M4 World Championship.

Coach Arcadia, opisyal nang pinakawalan ng RRQ Hoshi
Credit: Team RRQ

Mas nagningning ang kanilang tagumpay sa pandaigdigang entablado dahil nabawian nila ang ONIC Esports, ang kampeon ng MPL ID sa nasabing season. Sa kasamaang palad, kinailangan matuldukan ang kampanya ng RRQ Hoshi sa ikatlong puwesto nang harangin sila ng ngayo’y world champions na ECHO.

Pagpasok sa ika-11 season, patuloy ang pagpapakitang-gilas ng ang RRQ. Napatunayan nila na hindi basta-basta ang kanilang titulo bilang at kalauna’y nakamit nila ang puwesto sa tuktok ng tatlong nangungunang koponan sa regular season ng MPL ID.



Pagkatapos ng anunsyo na pagpapahinga ni Arcadia sa ika-apat na linggo. Samantala, nagtapos naman sa ika-apat na puwesto ang kampanya ng RRQ Hoshi, ang pinakamababang tala simula noong MPL ID Season 7, kung saan nagtapos sila sa 5th-6th place.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Demosyon sa MDL daw ang nag-udyok kay RSG Slate PH Irrad na makabalik ng MPL