Hindi lamang ang matinding pressure sa loob ng Land of Dawn ang kinailangang mapagtagumpayan ng Bren Esports jungler na si Kyle “KyleTzy” Sayson nang makaharap niya ang matikas na Blacklist International sa Week 8 ng MPL Philippines Season 11.

Kinailangan din ng 17-anyos na pro na mapagwagian ang naranasang pagka-kapos ng hininga bago gumulong ang game two ng krusyal na matchup sa huling linggo ng regular season.

Credit: MPL Philippines

Ito ang inamin ni KyleTzy sa post-match interview matapos tulungan ang Bren Esports makuha ang dominanteng 2-0 series win para epektibong gibain ang pangarap ng defending champions na makasulot ng upper bracket seeding papunta sa playoffs.


KyleTzy hirap daw huminga sa gitna ng games kontra Blacklist

“Everytime po kalaban po namen yung Blacklist, parang hinihika po kasi ako,” paglalahad ng MPL PH Season 10 Rookie of the Year matapos sindihan ang atake ng The Hive para sagasaan ang pangkat ng Tier One. Binigyang-linaw ng kampo ng Bren Esports na matapos ang ilang check-up, kompirmado na walang asthma o hika si KyleTzy.

Credit: MPL Philippines

Bagamat magilas ang ipinakitang performance upang tulungan ang Bren gawing solido ang kanilang posisyon bilang numero-unong team sa regular season rankings, hindi itinago ni KyleTzy ang totoo niyang naramdaman sa gitgitan kontra sa M3 World Champions.

“Parang pag kalaban po sila yung Blacklist, parang kinakabahan po kasi ako. Ganun nga po, every after game parang hirap po ako huminga,” pagpapalawig ng jungler.

Credit: MPL Philippines

Hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ni KyleTzy ang pagkakapos ng hininga kontra Blacklist. Sa isang regular season match sa MPL Philippines Season 10, pareho ang pinagdaanan ng batang jungler sa pagpasok ng game two na nagdulot ng pagkaantala ng nasabing laro.

Ganito man, pareho ang naging resulta ng nasabing series kontra Blacklist kung saan nakuha ng Bren ang tagumpay.

Credit: MPL Philippines

Kaugnay ng kalagayang pangkulusugan ni KyleTzy, sinigurado naman ni Francis “Coach Duckey” Glindro sa isang panayam kasama ang Mobile Legends correspondent ng ONE Esports Philippines na si Ron “Hot-E” Muyot na wala naman daw natagpuan na anumang medikal na kondisyon sa Bren jungler. “At patuloy itong minomonitor during training and sa laban ng MPL,” dagdag ng kampo ng BREN Esports.

Manatiling nakatutok sa pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Bakit hindi kinailangan ng Bren Esports ang Estes ban kontra Blacklist?