Ano ang pinakamagandang tips sa paglalaro ng Gloo? Ang pinakamabisang paraan upang matutunan kung paano laruin si Gloo ay sa pamamagitan ng panonood ng mga propesyonal na manlalaro sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League.

Ramdam na ramdam ang presensiya ng naturang hero sa meta ngayong season. Sa MPL Philippines, isa siya sa mga priority picks sa EXP lane, pero sa ibang rehiyon gaya ng MPL Indonesia, nagagamit din ito bilang roamer dahil sa matataas niyang attributes.

Mula nang magkaroon ng mga pagbabago sa ilang mga patch kamakailan, ‘di na maipagkakaila ang lakas ni Gloo. Ang Stick, Stick ay maaari nang gamitin nang walang cooldown kung ito ay patuloy na madidikitan.

Isa lang daw ang tip ni Pai ng Alter Ego para maging isang magaling na Gloo player
Credit: Moonton

Bukod dito, isa rin siya sa mga Tank hero na kayang pumasok sa backline. Ibig sabihin, hindi siya masyadong naiiba kumpara kay Lapu-Lapu at Yu Zhong, na ang pangunahing tungkulin sa team fight ay mag-zone out ng mga kalaban, kung hindi ito mapipitas.

Gayunpaman, hindi lahat ay kayang laruin ang makunat na hero. Hindi gaanong madaling gawin ang kanyang mga combo, lalo na ang pag-trigger sa first skill para makapagdulot ng crowd control.

Kaya naman hiningan namin ng ilang Gloo tips si Rafly “Pai” Sudrajat ng Alter Ego.



Mga tips sa paglalaro ng Gloo mula kay AE Pai

Isa lang daw ang tip ni Pai ng Alter Ego para maging isang magaling na Gloo player
Credit: Instagram account ni Pai

Si Pai ay maaaring sabihin na ang pinakamabisang manlalaro na tanungin tungkol sa mga tips sa paglalaro ng Gloo. Pinangunahan niya ang kanyang koponan patungo sa ikatlong puwesto noong nagdaang playoffs ng MPL ID S11.

“Tips main Gloo sebenarnya simpel, kalian fast clear minion supaya bisa cepat rotasi ke lane lain untuk bantu perang. Gitu saja sih,” aniya sa eksklusibong panayam sa ONE Esports. “Tidak ada item terpenting atau wajib untuk Gloo.”

Isa lang daw ang tip ni Pai ng Alter Ego para maging isang magaling na Gloo player
Credit: ONE Esports

(Simple lang ang tip ko para kay Goo, bilisan mo mag-clear ng minion para madaling maka-rotate sa ibang lanes at makarespunde sa team fight. ‘Yun na ‘yun. Walang required na item para kay Gloo.)

Pagdating sa item build, ibig sabihin ni Pai na nakadepende sa lineup ng kalaban ang mga dapat buuin para sa hero. Gayunpaman, iikot lang ang mga pagpipilian sa defense items, depende na lang sa kung physical o magical ang lineup ng kalaban.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Burn X Flash ipinagtanggol ang korona sa MPL KH, pasok sa MSC 2023