Sino ba ang nagsasabing ang mga figher heroes ay hindi maaaring maging mabilis kumilos? Hindi man isang assassin si Arlott, pero hindi siya mabagal na kumilos sa Mobile Legends: Bang Bang.
Ang fighter hero na ito ay may playstyle katulad ng isang assassin hero at kayang mag-dash ng ilang beses sa gitna ng labanan. Upang gawing mas mahirap ang sitwasyon, mayroon siyang maraming crowd control abilities na maaaring mag-stun sa lahat ng kalabang mga heroes sa kanyang daan. Hindi madaling hamunin ang Lone Lancer sa labanan, pero may ilang mga exception sa patakaran.
Narito ang tatlong best hero counter na maaaring pumigil kay Arlott na magpakita ng kanyang beast mode sa iyong mga ranked games.
3 best hero counter kay Arlott sa Mobile Legends
Phoveus
Kaya ni Arlott na mag-dash nang ilang beses gamit ang kanyang second skill na Vengeance, na dahilan kung bakit tulad siya sa mga assassin heroes. Gayunpaman, kung ikaw ay gumagamit ng Phoveus laban sa kanya sa EXP lane, maaaring maging mabuting balita ito para sa iyo.
Si Phoveus ay kalaban ng mga mabilis na hero sa laro. Maaring gamitin niya nang paulit-ulit ang kanyang ultimate na Demonic Force upang markahan ang mga kalaban at tumalon sa kanila upang magdulot ng damage. Bukod pa rito, nababawasan ang cooldown ng kanyang ultimate kapag ang kalaban na hero ay gumamit ng dash o blink skill malapit sa kanya.
Bilang resulta, si Arlott ay mapipilitang mag-ingat at iwasang gamitin ang kanyang dash skill malapit sa iyo, na nagbibigay sa iyo ng kalamangan sa laning phase. Upang magtagumpay sa labang ito, mahalaga na matapos ang Clock of Destiny para sa survivability at damage boost. Kung si Arlott ay nakalalamang sa lane matchup, isaalang-alang ang pagkuha ng Warrior Boots bilang unang item.
Thamuz
Alam mo ba kung ano ang mas matindi kaysa sa dalawang spear? Dalawang scythe.
Ang kahinaan ni Arlott ay nasa laning phase kapag hindi pa kumpleto ang kanyang mga abilities at core items, na lubos na kabaligtaran ng fighter hero na si Thamuz. Ang Lord Lava ay maaaring isa sa pinakamalakas na EXP laners sa unang limang minuto at kayang kalabanin ang sinumang magtatangkang humarang sa kanya, kahit na walang anumang item.
Pinakamainam na i-freeze ang unang wave ng minions at lumaban kapag si Arlott ay nagtatangkang mag-farm o manggulo sa iyo sa laning phase. Laging nananalo si Thamuz sa mga ganitong sitwasyon, maliban na lang kung ang kalaban na jungler o midlaner ay palaging bumibisita sa EXP lane.
Kung malaki na ang lamang mo sa laro, pumili ng mga item na may on-hit effect tulad ng Corrosion Scythe. Kung hindi naman, pumili ng karaniwang Sunfire Cape para sa karagdagang defensive stats.
Yu Zhong
Si Yu Zhong ay isang hero na mahusay sa laning phase at sa mga 1v1 situation, kung kaya’t maganda siyang piliin bilang pantapat kay Arlott. Ang kanyang kakayahan na tumanggap ng damage at mag-heal ng nawalang HP habang nagpapatuloy ang labanan ay maaaring magdulot ng malaking hamon para sa Lone Lancer.
Bukod dito, mahirap hulihin si Yu Zhong dahil sa kanyang skills na Furious Drive at Black Dragon Form. Kapag nakumpleto niya ang Hunter’s Strike at War Axe, dalawang item na nagbibigay sa kanya ng dagdag na movement speed sa mga team fights, mas lalong mahirap para kay Arlott na makahabol.
Kung naghahanap ka ng isang mahusay na hero na kayang dominahin si Arlott sa isang 1v1 situation sa buong laro, si Yu Zhong dapat mong piliin.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.