Patuloy ang pagbaga ng mga bakbakan sa ikalawang bahagi ng MPL Philippines Season 11 (MPL PH S11). Sa Week 5 Day 2, umalagwa ang mga koponang Bren Esports at Smart Omega na kumuha ng parehong 2-1 tagumpay, habang ang malinis na 2-0 naman ang inihandog ng Blacklist International.


Resulta ng MPL PH S11 Week 5 Day 2

Bren Esports pinatahimik ang ECHO

Credit: MPL Philippines

Matapos mabigo sa kanilang unang subok na patumbahin ang ECHO, hindi na pinayagan muli ng Bren Esports na maisahan sila ng M4 World Champions. Ipinagpatuloy ng The Hive ang nag-aapoy nilang win streak matapos bagsakan ang Purple Orcas ng 2-1.

Sumandal ang pangkat sa mala-maestrong laro ni Rowgien “Owgwen” Unigo sa Grock sa unang mapa (1/0/11 KDA), gayundin kay Angelo “Pheww” Arcangel na bumuhat gamit ang kaniyang midlane Julian sa game three (9/3/11 KDA) para isemento ang kanilang mga sarili sa unahan ng regular season standings.


Smart Omega pinutol ang lose streak kontra ONIC PH

Credit: MPL Philippines

Nakabalik na muli sa winner’s column ang Smart Omega pagkaraang itumba ang pangahas na ONIC Philippines. Nalagay man sa alanganin matapos mahulog sa 32-minute pagkatalo sa game one, ipinakita ng mga pambato ng Baranggay ang tunay nilang tindig.

Malaki ang inambag ng support duo na sina Dale “Stowm” Vidor at Deomark “Mikko” Tabangay sa dalawang magkasunod na laro para yakagin ang OMG sa pangatlo nitong series win sa gumugulong na regular season.


EDWARD, Blacklist malinis trinabaho ang TNC

Credit: MPL Philippines

Isinarado ni Edward “EDWARD” Dapadap ang Ikalawang araw ng Week 5 sa isang pasabog na performance hawak ang Paquito at Arlott para dalhin ang kaniyang Blacklist International sa 2-0 tagumpay kontra sa TNC Pro Team ML.

Pumukol ng perpektong 4/0/4 KDA ang 2-time MPL PH MVP sa game one hawak ang kaniyang signature hero, at 3/2/6 naman sa mabangis niyang Arlott para isarado ang serye. Swabe din ang ipinakita ni Jon Redick “Super Red” Bordeos sa kaniyang Melissa (5/1/4 KDA) para tulungang bawiin ang pagkatalo ng Blacklist sa Day 1.

Alamin ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: MPL PH S11 Week 5 Day 1 Recap: Pasiklaban ang naganap sa umpisa ng second half ng regular season