Matapos gumulong ang Mobile Legends patch 1.7.68 kamakailan, inasahan na lalayo na mga koponan sa paggamit sa umusong jungle Fredrinn sa unang bahagi ng MPL Philippines Season 11. Malaking dagok kasi para sa users ng tank/fighter ang kabawasan sa base damage ng skills 2 at 3 nito.
Kaya naman, naging sorpresa para sa ilan ang paggiit ng Smart Omega sa hero pick kontra RSG Slate Philippines. Gayunpaman, pinatunayan ni Dean “Raizen” Sumagui na hindi pa lipas ang oras ng Fredrinn dahil ginamit niya ito para yakagin ang Baranggay papunta sa 2-1 para buksang matagumpay ang kanilang Week 6.
Giit ni Raizen, parang hindi naman daw na-nerf ang Fredrinn.
Rason ni Raizen para sabihing hindi nerfed ang Fredrinn
Sa post-match interview, inilahad ng Smart Omega ang pro ang kaniyang saloobin ukol sa pinakahuling MLBB update at ang epekto nito sa Fredrinn.
“Nung update naman po, parang hindi naman po siya na-nerf. Parang binalance lang po,” tugon ng pro na ginamit ang pick para makalawit ang krusyal na game three tagumpay laban sa RSG.
Aniya, bagamat binawasan ng bahagya ang base damage ng skills 2 at 3 ng jungler hero, hindi daw nabago ang first skill nito na para sa kaniya ay krusyal sa kit ng fighter/tank.
“Para sa aken, yun po yung malakas sa Fredrinn eh,” paliwanag ni Raizen.
Bukod dito, nanatili daw na matikas ang hero sa objective-takes— ang primerang rason kung bakit numero uno sa listahan ng most picked heroes ang jungle pick na may 50 picks matapos ang Week 5.
Kontra RSG Slate PH, pinokus sa macro ni Raizen ang kaniyang jungle pick na nagtala ng perpektong 0/0/9 KDA para tulungan ang Smart Omega na makuha ang ikaapat nilang tagumpay sa sampung laro.
Inaasahan na sa tagumpay na salang ni Raizen sa jungle pick ay mananatili itong isa sa mga primerang opsyon para sa role.
Makibalita sa pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Eksklusibo: ECHO star Sanji naging pro basketball player sana kung nagkataon