Walang makikipagtalo na ang pinaka-mahusay na Natalia user sa mundo ngayon ay si Baloyskie.  

Bagamat nawawala na ang lakas ng assassin hero na ito matapos ma-nerf noong nakaraang taon, kayang-kaya pa rin ito gamitin ni Baloyskie.  

Sa ngayon ay nananatili sa beteranong Pinoy roamer ang best record ni Natalia sa MPL ID sa kaniyang 100 percent winning record sa limang beses na lumabas siya.  

Tatlong teams ang nagtangka na gamitin si Natalia sa kanilang draft sa MLBB competition stage ng Indonesia, ngunit ang Geek Slate lamang nag nagwagi.  

At dahil diyan, alamin natin kung paano binuhay muli ni Bayloskie ang hero na ‘to.  

Paano ginagamit ni Baloyskie si Natalia 

MLBB Baloyskie
Credit: ONE Esports

Nagkaroon ng isang eklusibong panayam ang ONE Esports kasama si Baloyskie sa MPL ID S11 arena, at dito ay ipinaliwanag niya kung paano niya laruin si Natalia.  

Pinaalala ni Baloyskie na ang main task ni Natalia ay ang magdulot ng damage.  
 
“For Natlia users in rank games, focus on your damage, don’t be afraid to fall early in the game,” sabi ni Baloyskie. 

Sa early game phase, ang trabaho mo ay ang umatake. Kahit na matumba ka sa proseso, ‘wag kang mag-alinlangan na mag-cast ng all-out attack, hangga’t sa napapalitan ito ng buhay ng mga core ng kalaban.  

Ang susunod na tip: kailangan mong mabilang ang damage ng mga items mo. Kailangan nito ng ensayo at oras ng flying bago mo ito magagawa.  

Last tip naman niya ay palaging i-check ang progreso ng items ng mga kalaban para malaman mo kung sino ang tamang target mo.  

 
“Aim for easy heroes and always check your opponent’s items, that way you can find out who the priority targets are,” ani ni Baloyskie. 

Build items ni Baloyskie gamit si Natalia 

MLBB Natalia
Credit: Moonton
  • Rapid Boots  
  • Fury Hammer/Blade of Heptaseas  
  • Malefic Roar  
  • Hunter Strike  
  • Demon Hunter Sword/Blade of Despair  

Ang key item mo sa umpisa ng laro ay ang Fury Hammer na iyong i-uupgraade sa Blade of Heptaseas. Ito ay isang capital burst damage sa umpisa ng laro na tutulong sa’yo na mapatumba ang kalaban nang mabilisan.  

Susunod, ang Malefic Roar at Hunter Strike ang recipe mo para masira ang depensa ng kalaban sa mid-game phase.  

Ang huling item choices na dapat mong piliin ay ang Demon Hunter Sword at Blade of Despair. Isa lang ang dapat mong tignan, kung makapal pa ang HP ng kalaban, piliin ang Demon Hunter Sword. Kung hindi, ang Blade of Despair.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.