Matapos magwagi laban sa TNC Pro Team sa ikalawang bahagi ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11), nagbigay ng pahayag ang head coach ng RSG Slate Philippines na si Brian “Coach Panda” Lim tungkol sa laro ng nakasagupang koponan.
Mainit ang naging bakbakan sa pagitan ng Raiders at Phoenix Army na umabot sa ikatlong game na nagtagal nang mahigit 25 minuto. Bagama’t nanalo ang RSG sa score na 2-1, hindi matatawaran ang husay na ipinakita ng kalabang team na nagbigay ng isang napakalupit at dikit na laban.
Reaksyon ni Coach Panda sa ipinakita ng TNC
Pagkatapos ng kanilang tagumpay sa matinding sagupaan na inihain ng mga Phoenix, nagbigay ng isang eksklusibong pahayag sa ONE Esports ang RSG coach patungkol sa kakaibang bangis na ipinakita ng katunggaling team.
“They played very well,” sabi ni Panda. “They played better than us, sa totoo lang.”
Ayon sa coach, kinikilala niya ang husay na ipinamalas ng mga Phoenix. “If they won 2-1, I would accept it gladly,” sabi pa niya.
Ibinahagi rin ng multi-awarded coach ang kanyang palagay sa kung anong kulang sa laro ng kabilang team at bakit hindi nila mailabas ang kanilang buong potensyal upang magtuloy-tuloy ang byaheng tagumpay.
“Siguro yung kulang sa kanila is creativity sa macro gaming,” pahayag ni Panda. “For example may Lord tapos nabasag lahat ng third towers namin, they can also make play sa kabilang side ng Lord, pero masyado silang focused sa Lord lagi.
Ngunit sa kabila nito, mariing pinuri ni Coach Panda hindi lang ang larong ipinakita ng TNC kung hindi pati na rin ang maraming aspeto na bumubuo dito.
“But overall, their micro, their decision making, and execution was really good. I really hope they will make abot sa playoffs,” sabi ng coach. “Goodluck to TNC.”
Kasalukuyang nasa ikaapat na pwesto sa standings ng liga ang RSG na may 18 points, habang ang Phoenix Army naman ay nasa huling pwesto na may 7 points.
Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook