Simula noong paglabas ni Atlas noong 2020 ay mas sumikat siya sa tank meta sa Mobile Legends: Bang Bang.
Hindi matatawaran ang kakayahan niyang magdikta o magbaliktad ng laban gamit lang ang Fatal Links, kaya’t naiintindihan namin kung bakit kayo naghahanap ng Atlas counters.
Pinupuno ng crowd control effects ang kanyang skillset kung saan nahihirapan ang kaniyang mga kalaban para siya ay mapatumba. Gayunpaman, walang hero na walang counter sa Mobile Legends at ito ang mga options na pwedeng mong pagpilian sa laban.
- 3 best counters para kay Joy sa Mobile Legends
- Bakit si Pharsa lang ang magandang mage hero na gamitin pang-RG sa Mobile Legends
‘Wag nang matakot, ito ang mga Atlas counters kung sakaling makalusot sa banning phase
Chou
Bilang isang fighter hero na may mataas na damage at resistance, magandang Atlas counter si Chou.
Sa eksena kung saan ang Shunpo, ang pangalwang skill ni Chou ay may immunity crowd control ay epektibo sa paglaban sa abilidad ni Atlas.
Bukod sa Shunpo, ang knock-up and knock-back effects na una at pangatlong skill ay pwedeng makapagpapigil kay Atlas upang mag-initiate o counter-initiate.
Diggie
Basta mga hero na nagse-set, wala nang iba pang mas magandang pangontra kesa kay Diggie. Ang ultimate ni Atlas na Fatal Links ang pinakamalaking bentahe nito sa laban, pero sa isang pindot lang ng Time Journey ay wala na agad itong silbe.
Mabisang Atlas counter din ang Auto Alarm Bomb para maiwasan ang pagtambay sa bush. Itanim lang ang mga ‘to sa lugar kung saan maaaring panggalingan ng hero na mag-i-initiate gamit ang Perfect Match.
Valir
Ang huling hero na mabisang Atlas counter ay si Valir. Paborito itong gamitin ng mga manlalaro dahil sa kaniyang skill levels at abilidad na pwedeng gamitin sa one-on-one situations at team fights.
Solid din ang kanyang ultimate skill na Vengeance Flame para maalis ang crowd control effects ni Atlas.
Bukod dito, ang iba pang ranged skills ni Valir ay ang Burst Fireball at Searing Torrent na pwedeng gamitin para patumbahin si Atlas sa pag-initiate ng teamfight; o kaya naman ang pag-risk niyang saluhin ang flame para maisalba ang kaniyang mga kakampi.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Si EDWARD ang manok ng V33Wise na maihalal sa Hall of Legends ngayong MPL PH S11