Naselyo ng koponan ni Ben “Benthings” Maglaque na TNC Pro Team ang pinakamalaking upset sa gumugulong na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) matapos nilang tuldukan ang nine-match winning streak ng BREN Esports.

Kasalukuyang namamalagi sa tuktok ng talaan ang koponang pinangungunahan ni Angelo “Pheww” Arcangel, habang sa ilalim naman ang kina Benthings. Matagal-tagal nang nasa ganitong estado ang seedings ng regular season kaya’t laking gulat na lang ng karamihan sa biglang harurot ng Biyaheng Tagumpay.

Ano nga ba ang Focusing Mark? Ang Support Talent na ginamit ni Benthings sa Franco para matalo ang BREN Esports
Credit: ONE Esports/ Moonton

Sa mapang sumelyo ng serye para sa Phoenix Army, kapansin-pansin ang talent na ginamit ni Benthings para sa kanyang Franco. Hindi kasi ang pangkaraniwang Pull Yourself Together, na nagpapabilis ng cooldown ng Battle Spell, ang kanyang gamit, kung hindi Focusing Mark.


Ano ang Focusing Mark? Ang Support Talent na ginamit ni Benthings sa Franco

Ano nga ba ang Focusing Mark? Ang Support Talent na ginamit ni Benthings sa Franco para matalo ang BREN Esports
Credit: ONE Esports

Pinapalakas ng Focusing Mark na talent mula sa Support emblem ang damage na naidudulot ng mga kakamping hero sa kalabang na-damage ng hero na may tangan nito. Anim na porsyento ang dagdag damage na naibibigay nito sa loob ng tatlong segundo, at meron itong anim na segundong cooldown.

Kung susuriin, sakto ang naturang talent para sa hero na gamit ni Benthings. Mas nasusulit kasi ang 1.8 segundong Bloody Hunt dahil napapataas nito tsansa na mapatay ang sino mang mahuli nito. Bonus pa na suppress ang dulot ng naturang ultimate, kaya’t hindi basta-basta natatanggal.

Hindi kasi ganun kadali patayin, lalo na’t hulihin, ang mga hero ng BREN Esports. Paquito ang gamit noon ni Kyle “KyleTzy” Sayson, habang Joy naman ang kay Pheww. Bukod sa may taglay na kakunatan din ang dalawang hero, puno rin ng dashes ang kanilang skillsets.

Ano nga ba ang Focusing Mark? Ang Support Talent na ginamit ni Benthings sa Franco para matalo ang BREN Esports
Credit: Moonton

Para nga masiguradong mako-covert sa kill ang ano mang kagat na gawin ni Benthings, nagpares sila ng Beatrix mula kay John Vincent “Innocent” Banal at Lylia ni Jomarie “Escalera” Delos Santos. Burst physical at magical damage ang bigay ng dalawang hero, na pinapasakit pa lalo ng Focusing Mark na talent.

Ang tagumpay ni Benthings sa paggamit ng Franco na may Focusing Mark ay maaaring signos ng pagbabalik ng naturang tank sa meta. Matatandaang napuruhan ito noong ma-nerf ang pag-invade ng jungle, pero sa tulong ng nabanggit na Support talent ay maaaring may dagdag dahilan na para mas piliin ito.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH S11 Week 6 Day 3 Recap: TNC kinuha ang upset kontra Bren, ONIC PH winalis ang NXPE