May ONE Esports Community Tournaments na ulit!
Bukod sa Mobile Legends: Bang Bang, maaari na ring lumahok ang mga manlalaro ngayong taon sa Valorant, sa kauna-unahang pagkakataon para sa ONE Esports Community Tournament.
Maaari mo nang maranasan ang esports bakbakan sa bagong ONE Esports MLBB at Valorant Community Tournaments na magsisimula sa susunod na linggo.
Ang parehong ONE Esports Community Tournaments ay bukas para sa mga manlalaro sa Indonesia, Philippines, Singapore, at Malaysia. Bukas naman para sa mga manlalaro ng North America ang Valorant Community Tournament.
Tampok sa bawat turneo ang cash prize pool na US$225, kung saan US$150 ay mapupunta sa mananalo at US$75 naman sa runners-up. Bukod dito, ang hihiranging kampeon sa MLBB Community Tournament ay makatatanggap din ng 5,000 MLBB Diamonds.
Manalo ng cash at MLBB Diamonds mula sa ONE Esports Community Tournaments
Lahat ng laban ay idaraos sa single-elimination, best-of-one format, puwera sa grand final na best-of-three.
Ang unang Community Tournament ay magsisimula sa ika-28 ng Mayo para sa MLBB at Valorant sa mga piling rehiyon. Para makasali, sundin lang ang mga sumusunod na hakbang:
- Pumunta sa ONE Esports Community Tournament page.
- Piliin ang rehiyon at laro na gusto mong salihan.
- Piliin ang tournament na gusto mong salihan.
- Mag-login sa Battlefy at i-register ang iyong team. Gumawa ng Battlefy account kung wala pa.
Ang bawat kapitan ng mga koponan ay dapat magsumite ng screenshot ng final scoreboard sa dulo ng turneo para makatanggap ng nararapat na cash prize. Kailangan din magpakita ng proof of residency ang mga magtatagumpay na koponan para matanggap ang premyo.
Bukod dito, kailangan ding sumali ng lahat ng mga manlalaro sa opisyal na Discord server ng ONE Esports tournament.
Ang ONE Esports MLBB at Valorant Community Tournaments ay bukas sa lahat ng players ano man ang skill level, kahit nagsisimula pa lang maglaro o nasa leaderboard na.
Ang kumpletong detalye ng turneo at schedule ay matatagpuan dito.