Pagkakataon man o itinadhana, idurugtong na ang parangal na regular season MVP sa mahabang listahan ng mga titulo kay Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna.
Karugtong ito ng opisyal na anunsyo ng liga sa kanilang social media pages Miyerkules ng gabi kung saan inilahad nila ang resulta ng naging botohan para sa pinaka-presitihiyosong indibidwal na gantimapala matapos ang MPL Philippines Season 10.
OhMyV33NUS tatanggapin ang una regular season MVP award ngayong MPL PH S10
Bagamat matagal ng nagpapakitang-gilas sa MPL Philippines, ito ang unang pagkakataon na makakakuha ng The Queen ang nararapat na gantimapala simula ng unang magkaro noong MPL PH Season 4.
Umangkla ang nominasyon ng Blacklist support sa kaniyang pambihirang assist stats kung saan numero uno siya sa liga sa 327 total assists para buuin ang league-best 9.62 assists per game. Bukod dito, wala ring kaparis abilidad ni OhMyV33NUS na tulungan ang mga kakampi sa pagkuha ng kill objectives na binigyang-pruweba ng kaniyang 80% kill participation, na muli ay pinakamataas sa liga.
Ngunit mistulang ang shotcalling ng kapitan ng Blacklist ang sinandalan ng mga miron para iluklok siya sa presitihiyosong parangal. “Ang kanyang precise shotcalling ang isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit tinapos ng Blacklist ang Regular Season at the top of the standings,” sulat ng MPL PH sa kanilang anunsyo.
Tinapos reigning World Champions ang regular season na may 9-5 win-loss record papunta sa tugatog ng standings, at paborito rin para makalawit ang kampeonato ng MPL PH Season 10.
Samantala, ito naman ang ikatlong beses na makukuha ng isang miyembro ng Blacklist International ang regular season MVP awards. Sasamahan ng The Queen sina Edward “EDWARD” Dapadap at Salic “Hadji” Imam na magkasunod na nakuha ang nasabing parangal noong Season 7 at Season 8.
Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.