Nilinaw ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang mga desisyon sa likod ng roster ng Blacklist International para sa paparating na ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) at SIBOL qualifier para sa ika-32 na Southeast Asian Games (SEA Games).

Matatandaang ibang luto ng UBE ang inihain ng koponan noong sumabak sila SIBOL qualifier ilang araw matapos ang kanilang kampanya sa M4 World Championship. Imbes na kasi lumaro sina OhMyV33nus at Danerie James “Wise” Del Rosario, kasama sina Edward “Edward” Dapadap, Kiel “Oheb” Soriano, at Salic “Hadji” Imam, humalili muna sa kanila sina Renejay “RENEJAY” Barcarse at  Ian Jakob “Rindo” Seguiran.

OhMyV33nus nilinaw pagkakaiba ng roster ng Blacklist International para sa MPL PH S11 at SIBOL qualifier
Credit: Blacklist International

Kasabay nito, pinahapyaw na tila hindi makakasama ng V33Wise ang MV3 sa roster ng defending MPL PH champions para sa paparating na season ng liga.

“It’s either they’re gonna play for SEA Games, or they’re gonna play for S11. Alam naman natin kung gaano na katagal naglalaro ‘yung mga bagets, especially Hadji, and mas pinili nila na magpahinga ng mas matagal so they chose to play for SEA Games,” paliwanag ni OhMyV33nus.

Credit: Moonton

Pagbabahagi pa ni The Queen, dahil sa tagal nang naglalaro ng kanilang mga kakampi, mas pinli nilang maglaro para sa SIBOL qualifier para makapagpahinga ng mas matagal.

“Kami ni Wise we chose to play for S11 para at least meron din kaming preparation para kumuha ng players for S11—kaya hindi na kami sumama ng SEA Games kasi S11 will start on [second week ng February] na agad,” dagdag niya.



RENEJAY in na ba for BLCK? Ito ang paglilinaw ni OhMyV33nus

OhMyV33nus nilinaw pagkakaiba ng roster ng Blacklist International para sa MPL PH S11 at SIBOL qualifier
Credit: MPL Philippines

Matapos ipaliwanag ang mga desisyon ukol sa kanilang roster, nilinaw din ni OhMyV33nus ang estado ni RENEJAY bilang miyembro ng Blacklist International.

“SEA Games siya… muna. I’m not sure lang kung masasama siya sa S11 lineup pero until now wala pang finalized,” aniya.

Huling naglaro si The Hitman para sa Nexplay EVOS. Bago ianunsyo ang pagkuha ng naturang koponan sa mga miyembro ng amateur team na Minana Esports, opisyal na rin siyang pinakawalan sa koponang naging tahanan niya simula noong makapasok sila sa liga noong Season 5.

Samantala, nakatakda pang ianunsyo ang mga miyembrong bubuo sa roster ng Blacklist International para sa MPL PH Season 11.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 11