Kung tatanungin kung sino ang most accomplished professional player sa Mobile Legends: Bang Bang, hindi naman siguro exaggeration kung si Johnmar OhMyV33nus” Villaluna ang sagot.

Tatlong titulo ng MPL PH, isang SEA GAMES gold medal, at isang M Series world championship trophy, hindi lahat ay kayang makapantay sa tagumpay na ito. Tanging si Karl “KarlTzy” Nepomuceno lang, isang two-time world champion, ang makakasabay sa kanya.

Napatunayan ng kapitan ng Blacklist International na hindi mo kailangang maging isang core para maabot ang pinakamataas na antas sa mundo ng MLBB.

Kung gayon, ano pa ba ang gusto niyang idagdag sa kanyang mga titulo? Sa katunayan, ang puso ng Blacklist ay hindi nag-aambisyon ng ganoon katas.

OhMyV33nus hindi nangangarap na maging kampeon ng MPL PH S11

OhMyV33nus
Credit: ONE Esports

Sa sunod-suod niyang mga tagumpay, sa kasalukuyan ay walang mataas na ambisyon si OhMyV33nus. masaya na siya sa kanyang mga naabot.

Sa kanyang kasalukuyang pakikipaglaban sa kampanya ng MPL PH S11, ang maaasahang Estes user ay nagnanais lamang na maging consistent ang kanyang performance sa buong season.

“Hindi naman na ko nangangarap na maging champion ngayon(MPL PH S11), masaya na ko sa kung ano yung mga naipanalo namin. Isa lang ang gusto ko ngayon, consistency lang. As long as mag-grand finals, kung papalarin, kahit hindi mag-champion okay lang” ani OhMyV33nus sa kanyang live stream.

Bilang tugon dito, nagkomento ang isa sa mga viewers na ang kapitan ng Blacklist ay patuloy na mamahalin anuman ang mga resultang makuha.

Malugod namang tinanggap ng 29-year-old pro player ang komento na ito, “Yes, that’ the best reward that you can get. People to like you, people to love you, people to support you.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.