Opisyal nang nakalawit ng Blacklist International ang kanilang playoff berth para sa paparating na MPL Philippines Season 10 Playoffs. Ito ay matapos pihitin ni Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna ang susi para paandarin ang UBE strategy kontra ONIC Philippines na winalis nila sa 2-0 game score sa Day 1 ng Week 7 ng regular season.

Bagamat dominante ang ipinakita sa inantabayanang matchup ay hindi nito binago ang pagtingin ng The Queen sa dapat pa nilang gawin para mapalapit sa inaasahang kampeonato at M4 Championship slot.


OhMyV33NUS at BON CHAN inaming mas malalakas ang teams ngayong Season 10

Credit: MPL Philippines

Pagkatapos ng magilas na performance kontra ONIC PH, hinarap ni OhMyV33NUS katuwang si Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza ang media para ibahagi ang ilang saloobin tungkol sa pagkakaselyo ng Blacklist ng playoff spot.

Sa tanong kung ano ang kinakailangan ng koponan bago sumalang sa dikdikan sa post-season, inamin ng The Queen na mahalagang maging mahinahon ang team sa harap ng pressure, at manatiling kumpiyansa para mapagtagumpayan anuman o sinuman ang kaharapin nila sa playoffs.

“Kasi parang pressured lalo na ngayong season 10 since parang lahat goal makakuha ng slot sa M4,” paglalahad ng kapitan ng dekoradong team. Pagtutuloy niya, “Siguro ako, siyempre as a captain ng team ano… ako yung pinaka-kailangang composed para makamit namin yung goal namen.”

Credit: MPL Philippines

Samantala, hindi rin itinago ni Coach BON CHAN na malubak ang dadaanan nila bago makarating sa kanilang layunin ngayong season. “Expectation namen pagdating ng playoffs ay mahihirapan kame. Mahihirapan kami kasi sobrang lalakas din talaga ng mga team ngayon.”

Gayunpaman, maganda rin daw ang idudulot nito dahil magiging malaking challenge daw ito sa kaniyang koponan. “Hindi mo na alam kung ano yung mangyayare, kung sino yung mag-uupper bracket, kung sino yung nasa lower pero isang magandang challenge yun para samen.”

Credit: Moonton

Pagtutuloy ng dekoradaong coach, “Na ‘pag talagang pagdating ng playoffs ay na-dominate pa rin namin despite na malalakas yung team, talagang magandang statement ‘yon na kung sakaling palarin kami pagpasok ng M4.”

Nanatili sa top ng MPL PH S10 standings ang Blacklist ni OhMyV33NUS at BON CHAN, na kabalikat ang kasing-tikas na ONIC Philippines at ECHO.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli tungkol sa MPL PH.

BASAHIN: BREN pumuso kontra RSG PH 2-1, makakabalik na sa MPL PH playoffs