Pinagbidahan ni captain-roamer Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna ang paglista ng Blacklist International sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 11.

Isang game-winning play ang ginawa ni OhMyV33nus sa Faramis kung saan hinatak niya ang limang miyembro ng ONIC PH gamit ang Shadow Stampede bago nila burahin ang mga ito sa mapa. Napaka-crucial ng call na ito dahil nasiguro ni Stephen “Sensui” Castillo (Martis) ang Evolved Lord.

Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Matapos ang team wipe, agad na rumekta ang Codebreakers patungo sa base ng Hedgehogs para itala ang kapana-panabik na 2-1 reverse sweep sa unang serye ng Week 3.

Ibinihagi ni “The Queen” kung paano niya naisip gawin ang play na pinanatiling buhay ang winning streak ng defending champions sa MPL PH Season 11.


OhMyV33nus sa game-winning play: ‘Instinct na lang din talaga’

OhMyV33nus ng Blacklist International
Credit: ONE Esports

Sa post-match interview ni host Mara Aquino, inilahad ng M3 world champion at 3-time MPL PH winning captain na dala ng instinct niya ang malupit na play.

“Parang instinct na lang din talaga and in heat din kasi ‘yung game so parang adrenaline (na lang),” saad niya. Nang tanungin naman kung ano ang unang nasabi niya matapos ang play, sagot niya: “Kalma lang.”

“Kasi maraming moments na kahit ganun na ‘yung nangyari nababaligtad pa rin.”

Credit: ONE Esports

Ipinaliwanag naman ni OhMyV33nus nang mas maigi sa press conference kung paano niya naisip ang napakahalagang call sa mga huling sandali ng nakakakabang laro.

“Confident kasi kami nun na kaya namin sila since na-poke na rin sila ng Pharsa. Kaya napagdeisyunan namin na kaya talaga namin silang i-engage since nung nag-commit sila sa Lord, na-out of position sila.”

Umangat ang Blacklist International sa 8 points na nakaangkla sa 3-1 record at tatangkain nilang pataasin pa ito kontra RSG Slate PH sa Linggo, sa ganap na 6:30 ng gabi.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.