Hindi kulang sa pambihira ang mga nagawa ni Kiel Calvin “OHEB” Soriano para sa Blacklist International at sa Mobile Legends eksena sa Pilipinas. Susi ang plays ng gold laner para makalawit ng kaniyang team ang tatlong MPL Philippines tropeyo, at sa pagitan ng mga ito, ang prestihiyosong M3 World Championship kung saan hinirang siyang Most Valuable Player.

Credit: ONE Esports

Ngayong watawat ng Pilipinas ang dadalhin niya sa paparating na International Esports Federation World Esports Championship 2022 (IESF WEC 2022), alam ni OHEB ang dapat niyang gawin para makuha niya katuwang ng kaniyang SIBOL MLBB team ang inaasam na tagumpay sa Bali, Indonesia.


OHEB nanalig na magtatagumpay ang SIBOL MLBB, sabik na sa kumpetisyon

Credit: ONE Esports

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports Philippines si OHEB para alamin ang paghahandang ginagawa niya kasama ang SIBOL MLBB para sa paparating na international patimpalak. Inamin ng Blacklist gold laner na hindi kaba kundi pagkasabik ang nararamdaman niya ngayong lalahok siya sa una niyang medal event sa labas ng MPL.

“Excited lang ako sa mga makakalaban naming teams, tiyaka sa mga mangyayare. Tiyaka mag-preprepare talaga kami ng sobra ngayon para di kami ma-short sa kahit sinong makakalaban namen,” ani ng binansagan din na “The Filipino Sniper”.

Hindi pinalagpas ng tubong-Tarlac ang pagkakataon para maglabas ng maliit na hamon para sa mga makakatunggali sa international event, “Maghanda rin sila, kase kame naghahanda na kame.”

Credit: SIBOL

May pangako din si OHEB para sa mga susubaybay sa SIBOL MLBB, “Ibang-klase na. Class S na. Mas pinalakas. Mag-prapractice pa ako ng magprarapctice lalo para makuha namen lahat ng achievements na inaasam namen.”

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga eksklusibong content tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: EKSKLUSIBO: OhMyV33NUS aminadong lumakas ang ID teams, malaki ang epekto ng PH imports