Isasabak na mula sa bangko ang MVP ng M3 World Championship at three-time Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) na si Kiel “Oheb” Soriano sa Blacklist Academy, ang MLBB Development League Philippines (MDL PH) team ng Blacklist International.

Matatandaang kasama si Oheb sa mga manlalarong bumubuo sa Blackilst Academy, kasama ang Southeast Asian Games (SEA Games) gold medalist na sina Russel “Eyon” Usi, Dominic “Dom” Soto, at Lee Howard “Owl” Gonzales. Kinumpleto naman nina Ian Jakob “Rindo” Seguiran at Steve Nash “Steve” Calunuran ang roster.

Oheb ipapasok na ng Blacklist Academy para sa MDL PH Season 1
Credit: Moonton

Napagdesisyunan ng Blacklist Academy na paglaruin na si The Filipino Sniper pagpasok sa huling linggo ng regular season, kung saan una nilang haharapin ang tropa nina Kiel VJ “KielVJ” Cruzem na Smart Omega Neos.



Oheb, ba-back up sa Blacklist Academy para sa MDL PH Season 1

Oheb ipapasok na ng Blacklist Academy para sa MDL PH Season 1
Credit: Blacklist International

Hindi pa ligtas ang kalagayan ng Blacklist Academy sa MDL PH Season 1. Kasalukuyan silang naka-upo sa ikatlong seed ng Group A nang may 16 na puntos bago ang ikatlong araw ng ikalimang linggo ng regular season.

Bagamat ang huling dalawang koponan lang ang hindi makakapasok sa playoffs, dikit naman sila ng fourth seed na NXPE Tiger Cubs na may 14 na puntos. Mahalaga ang bawat laro para sa dalawang koponan mapataas ang tsansa nilang maka-abante sa susunod na yugto ng turneo.

Kaya naman kakailanganin ng Blacklist Academy ang husay at karanasang maiaambag ni Oheb para maselyo ang kanilang slot papunta sa kauna-unahang playoffs ng liga. Kung sakali, papalitan niya si Owl sa starting roster ng koponan bilang gold laner.

Oheb ipapasok na ng Blacklist Academy para sa MDL PH Season 1
Credit: Blacklist International

Sa huling linggo ng regular season ng MDL PH Season 1, kakalabanin ng Blacklist Academy ang Smart Omega Neos at ZOL Esports. Idaraos ito simula sa ika-28 ng Marso sa ganap na ika-12 ng tanghali. Masusubaybayan ang mga laban sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng MDL Philippines.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Siguradong punit ang mga kalaban sa Moskov build ni Kelra