Itinuturing si Kiel Calvin “OHEB” Soriano bilang isa sa pinakamalakas na gold laner sa Pilipinas. Pinangalanan pa nga siyang “The Filipino Sniper” nang tinulungan niya ang Blacklist International na magwagi sa M3 World Championship.

Sikat si OHEB sa kanyang signature hero na Beatrix, pero bihasa rin siya sa paggamit ng ibang marksman heroes tulad nila Wanwan, Brody, at Lesley.

Ngunit may isang MM pa rin na hindi pinapaboran ng 18-year-old player kahit pa nakatanggap ito ng revamp sa pinakabagong Mobile Legends: Bang Bang patch.


Kaka-revamp lang kay Hanabi pero itinuturing pa rin ni OHEB na mahina ito

Credit: Moonton

Ni-revamp ng Moonton si Hanabi at ni-rework ang skills niya sa MLBB patch 1.7.44. Tinitignan bilang pinakamahinang marksman sa Land of Dawn, pinalakas ang attributes ng Scarlet Flower, partikular na ang passive niya.

Mas malakas na ngayon si Hanabi sa laning phase dulot ng idinagdag na shield effect sa kanyang 1st skill at pinagandang effect ng 2nd skill. Maging sa team fights ay mas epektibo na rin siya dahil na-buff niyang ultimate.

Sa kabila nito, iba pa rin ang opinyon ni OHEB patungkol sa hero. Nakikita niya na mahina pa rin ang naturang marksman, lalo na nang laruin niya ito sa kanilang ranked games.

OHEB
Credit: Moonton

Gamit ang revamped Hanabi, namatay siya nang 12 beses para 2-12-8 KDA at wala ring halos impact sa kanyang koponan. Ani niya, ayaw niya nang gamitin ang hero na ito dahil hindi pa rin ganoon kaepektibo.

“Ayoko na mag-Hanabi. Wala rin namang nagagawa ‘yung second skill niya. Saglit lang ‘yun, one second lang tapos nawawala rin agad,” wika niya sa kanyang livestream.



Para sa Mobile Legends news, guides at updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng katha ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.