Ito ay isang pagsasalin hango sa orihinal na English article ni Mika Fabella.
Dalawang taon na akong nagtatrabaho bilang esports talent sa Pilipinas. Nagsimula ako bilang esports correspondent at courtside reporter para sa The Nationas, isang franchise esports league sa Pilipinas. Pagkatapos ako ay nag-host ng iba’t-bang esports events at digital content para sa gaming. Pero ang pinakahuli kong nagawa ay ang pagganap bilang panel host para sa Philippines leg ng Valorant First Strike tournament ng Riot. Nag-host din ako para sa Esports and Gaming Summit noong 2020.
Noong nagsimula ako bilang talent, inakala ko na magiging madali ang transition sa esports dahil sa background ko sa theatre at commercial work. Ang akala ko ay magbabasa lang ako ng script, mag-me-memorize ng mga linya, at mayroon din akong kaunting kaalaman sa gaming at itinuturing ko rin na isang geek ang aking sarili – gaano kahirap kaya ito?
Pero katulad ng maraming fans, hindi ko napagtanto na sobra ang effort na binibigay ng mga shoutcasters at analysts para sa kanilang craft. Ang esports hosting ay isang specialized skill, dahil ang mga esports fans ay isa sa mga pinaka-dedicated at pinaka-sumpungin na fans na makikilala mo.
Makalipas ang dalawang taon, ako ay natututo pa rin, pero nararamdaman ko na ako ay may kaunting kaalaman na kung paano maging isang magaling na esports talent.
Ito ang mga natutunan ko sa aking dalawang taon bilang isang esports talent:
5. Marami ka pang matututunan sa mga laro
Siguro naiisip mo na alam mo na ang lahat tungkol sa isang laro, pero mayroon ka pang maidadagdag na kaalaman tungkol dito. Ang pag-alam sa mga characters, weapons, builds, skills at game mechanics ay given na, pero kailangan mo din magkaroon ng in-depth knowledge sa mga luma at bagong metas, at dapat magkaroon ka rin ng kakayahan hulaan ang mga pwedeng maging metas sa future.
Ang mga casters ay kadalasan mayroong papeles na may mga notes tungkol sa mga player selections, character picks, equipment at builds at iba pa na nakakalat sa desk sa harap nila. (Magaling rin nila itong itago!)
Responsibilidad rin ng casters at analysts ang maging updated sa laro. Ito ay importante sa mga games na kadalasan ay may bagong patches at bagong release na characters, o para sa mga laro na may update na nagpapabago sa buong kaalaman mo tungkol dito. Game knowledge ang pinakaimportante sa isang tournament broadcast.
Ito ang ilan sa mga bagay na ginawa ko para maimprove ang aking game knowledge:
- Maglaro. Maglaro ka nang maglaro. Ito ang pinakamasayang parte! Ngunit hindi mo lang pwedeng laruin ang mga roles o heroes na gusto mo. Kailangan mo silang subukan lahat. Kailangan mong alamin ang lahat ng aspeto ng laro sa pamamagitan ng firsthand experience.
- Ang panonood ng videos ng mga players, lalong-lalo na kung ito ay tungkol sa kanilang stratehiya o gameplay. Nagpapalawak ito ng knowledge ng isang tao kapag nakikita mo kung paano nila ginagamit ang iba’t-ibang heroes o builds, o di kaya kung paano nila ginagamit ang isang map. Nakakatulong din kung paguusapan mo ang mga opinions mo sa gaming community mo o kapwa mo casters at anaylsts para makakuha ka ng ibang pananaw.
At oo, nag-nonotes din ako. May notes ako para sa bawat character, skills, kung kailan sila gagamitin at hindi, at mga win conditions habang tumatagal ang match. Lahat ng impormasyon na ito ay nakakalula, kaya mas makakatulong kung aaralin ito by portions. Una kong inaaral ang characters at skills muna, pagtapos ay ang mga items o weapons. Mas nagiging madali ng maisagawa ang mga combos at team lineups, at ang pagdagdag ng oras (early, mid, late game). Pero sandali lang, nagsisimula pa lang tayo!
4. Hindi mo alam ang lahat tungkol sa players
Oo, siguro alam mo na ang pinagkaiba sa mga tanks sa marksmen, ngunit kailangan mo rin alamin ang lahat tungkol sa mga players mismo. Hindi mo alam kung kailan magiging importante sa isang on-air interview ang kaalaman mo sa isang trivia tungkol sa kanila tulad ng kanilang paboritong pagkain.
Pero hindi lang ito tungkol sa kaalaman mo tungkol sa kanila. Ang pagkilala mo sa mga players ay magbibigay rin ng ideya saiyo kung paano ka gagawa ng narrative tungkol sa kanila. Matagal na ba sila sa industriya, o nahihirapan magkaroon ng big break? Isa ba silang superstar addition sa isang team na nahihirapan manalo? Ang pagalam sa mga tanong na ito ay makakatulong sa pagbuo mo ng storya tungkol sa players, sa teams, at sa overall match.
Sumusunod na dito na kailangan mo magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga teams. Mga bagay tulad ng roster shuffles na nakakaapekto sa in-game performance at team chemistry. Nakakatulong rin na may kaalaman ka tungkol sa record at history ng isang team, kung sila ba ay underdogs o dark horses ng kompetisyon.
Maliban sa pagkalap ng mga in-game na impormasyon tungkol sa mga players na ito, nakakatulong rin ang binibigyan mo ng mukha ang mga players. Ang kani-kanilang personal journeys ay ang gumagawa ng excitement para sa fans na makitang maglaro ang mga athletes na ito. Maaring sila ay nagbabalanse ng kanilang pagaaral habang sila ay isang professional player, o di kaya sila ay nakaranas ng isang life experience na nagtulak sa kanila sa esports? Malalaman ng mga nanonood kung ano ang nangyayari sa laro, pero mas nakakadagdag ng dimensyon ang overall broadcast kung ikaw ay magkwekwento tungkol sa kanilang buhay sa labas ng laro.
Ito ang ilan sa mga bagay na ginagawa ko habang pinaguusapan ko ang mga players na hindi ko masyadong kakilala:
- Small talk. Nakakatulong na magpapakilala ka sa player at sa management, para sila ay komportable saiyo. Kung hindi man sila busy bago o pag natapos na ang match, puwede kang kumuha ng statement sa kanila na pwede mong gamitin sa panel o cast mo.
- I-stalk sila sa social media… for professional reasons, siyempre! Tinitignan ko kung may na-post sila tungkol sa nararamdaman nila bago ang isang match sa kanilang mga profiles, o kung mayroong pagkakaibigan o pagtatalo sa kanilang mga kalaban.
- Naging useful ang small talk sa isang broadcast ko, noong nakausap ko ang isang management staff para sa isang Mobile Legends team. Dahil sila ay naging komportable na sa isang hindi kilalang reporter, inimbita nila ako na umupo sa tabi nila sa gitna ng unang laro nila. Nakakuha rin ako ng official comments kung paano naglalaro ang team habang nangyayari ito live. Dahil dito, naging exciting ang aking halftime report!
3. Mas manginigbabaw pa rin ang storya
Hari ang storya, tulad ng kasabihan, at totoo rin ito para sa esports. Isama mo na lahat ng sinabi ko tungkol sa pagkilala sa players, teams at sa buong laro, ngayon oras na para itahi mo ang lahat ng ito para makabuo ka ng magandang kwento para sa match, series, tournament, o league. Kailangan makahanap ng mga epektibong paraan ang mga casters o analysts para maikwento ang storya ng isang match, kahit na walang espesyal na nangyari dito!
Manunulat rin ang mga esports broadcasters, dahil sila ang magdedesisyon kung sino ang makakakuha ng spotlight, sino ang mapapangalanan na hero at villain. Kasama na ng kapangyahiran ng pagstorytell ay ang isang malaking responsibilidad. Ang paggamit ng tamang salita at tono ay importante rin, dahil gusto ng mga organizers na sila ay maging neutral at hindi maka-offend ng kahit sino.
Ito ang ilan sa mga bagay na ginagawa ko para maging malikhain:
- Humugot ng references sa ibang sports at pop culture. Tinitignan ko kung paano tinatayo ng NBA ang kanilang mga players at ang pagkwento ng ibang sports tulad ng MMA ang mga katunggalian ng mga teams sa bawa’t isa. Pinapansin ko rin ang mga terminology na ginagamit at kung saan ito pwedeng gamitin sa esports. Para naman sa pop culture? Baka makita nyo akong ikompara ang isang all-star team sa Avengers, o ang paghirit ng isa o dalawang Star Wars quote. Sa tingin ko, nakakatulong ito sa sarili kong storytelling kapag nirerelate ko ang mga teams at players sa mga characters na alam at mahal ko na.
- Ang history ng isang team ay isa ring magandang paraan para malaman ang istorya nila. Kahit na hindi mo masyado kilala personally ang isang team, ang isang serye ng pagkatalo ay maaring magkahulugan na sila ay underdogs. Kung ang isang defending champion ay makikipaglaban sa isang bagong squad, maari kang gumawa ng David vs. Goliath arc.
Karamihan sa mga esports atheles ay mahiyain at kabado sa camera, kaya responsibilidad ng talent ang pagtulong sa kanila sa pagsagot. Sa isang live interview, tinanong ko ang isang player kung paano sila nanalo sa isang serye gamit ang isang hindi inaasahang lineup. Secret weapon ba ito? Gusto ba nila lituhin ang kalaban? “‘Yun ang nangyari,” sabi ng player, at doon ko finocus ang atensyon sa kanilang pure instinct at gut feeling na ang paggamit ng off-meta hero ay gagana, at ang pagpalad sa kanila ng kapalaran. Trabaho din natin na ipakitang magaling sila! At dahil diyan…
2. Paano maging maayos ang tunog at itsura on-air
Isang show pa rin ang isang esports tournament, at para bigyan mo sila ng magandang show, kailangan magaling ang perfomers mo. Ito ay nangangahulugang maayos ang tunog at itsura mo live. Kailangan mayroong stage presence at komportable on stage at on camera ang mga panelists at casters sa isang live event. Ang epektibong vocal delivery ay importante para sa mga casters, dahil ang bilis ng laro ay dapat nararamdaman sa tono nila.
Dapat rin marunong mag-improvise ang mga talents, dahil may mga hindi inaasahang pangyayari sa isang event. Kung may ganito man, tulad ng disqualification o isang nakakagulat na outcome, dapat mabilis magisip ang isang esports talent habang pinaguusapan ang talking points o ang mga tamang segue. Sa teknikal na parte naman, may magsasabi saiyo kung dapat mo bang pahabain o paikliin ang isang segment.
Kung mayroon mang sponsors, responsibilidad ng esports hosts at casters na ma-deliver nang maayos ang kanilang mga sponsor spiels. Ito ay napakaimportante—ang hindi maayos na delivery ay maaring makatulong o makasira ng relasyon mo sa mga organizers.
Ito ang ilan sa mga ginagawa ko para maimprove ang aking stage performance:
- Kung ikaw ay may co-caster o co-host, nakakatulong na pasadahan nyo ang mga talking points o scripts nyo. Sa ganitong paraan, mas malalaman mo kung paano nila sasabihin ang mga parte nila at kung paano ka nila ma-co-compliment sa camera o sa stage, lalong-lalo na kung hindi kayo nagkakatrabaho masyado.
- Practice, practice, practice. Tulad ng mga aktor, okay lang mag-rehearse bago ka maglive. I-practice mo ang mga bagay na mahirap sa iyo, tulad ng mahirap sabihin na player o team names, o di kaya ang mga napakaimportanteng sponsor spiels.
Nahihiya ako sa mga tinrabaho ko noon. Napansin ko na mas mabilis akong magsalita kapag kinakabahan ako, kaya gusto kong pumunta nang mas maaga at magsagawa ng maliit na dry runs, para lang mawala ang kaba ko. At kung hindi ka komportable, makikita talaga ito. Kaya kung hindi naman makikita ang mga paa mo sa camera, nirerekomenda kong magsuot ka ng komportableng sapatos!
1. Paano maging maayos ang tunog at itsura on-air
Maliban sa malawak na research at game time, ang isang malaking parte ng trabaho bilang esports talent ay ang trabaho mismo. At ang pagiging professional ay minsan nakakalimutan sa isang exciting at lumalawak na indsutriya tulad ng esports at gaming.
Parte ng trabaho ay ang asal mo sa iyong mga kasama, employers, clients at posibleng sponsors. Kung natutuwa sila sa iyong work ethic, malaki ang tiyansa na ikaw ang una nilang maiisip para sa ibang leagues o tournaments.
Ang mas malaking parte ng trabaho ay ang asal mo rin online. Bilang esports talent, ang persona mo ay kadalasan makikita online, kung saan nakatira ang mga esports audience. Para sa mga public figures, mayroong mas masusing pagsisiyasat sa pagbuo ng kanilang social media presence, lalong-lalo na para sa mga influencers na may sponsors. Maaring ito ay masira kung ikaw ay magbibitaw ng offensive statements o di kaya hindi nairepresenta nang maayos ang isang brand.
Ito ang ginagawa ko para makapasok sa isang work mindset:
- Dumating nang maaga. Ang pagiging mahigpit sa sarili mong calltime ay makakabuti para sa imahe mo sa mga organizers at nakakabawas na rin ito ng sakit sa ulo sa mga production teams. Makakatulong rin ito para hindi ka kabahan on camera, dahil mas marami kang oras para maghanda.
- Network. Hindi ibig sabihin nito ay dadalo ka na sa mga party o makikipagkaibigan sa lahat sa social media. Dapat siguraduhin mo na pinapakita mo ang mga values mo bilang esports talent sa mga posibleng partners mo. Tunog business pero ito ay dahil business talaga ito. Ikaw ay nag-ma-market ng sarili mo bilang talent, kaya ikaw ang sarili mong PR at business development department.
Dinagdagan ko ang aking efforts sa pagdalo ng mga community events at gatherings para makakilala ng mga ibang tao sa industriya. Napipili ako para sa mga projects dahil sa mga introductions na nangyayari sa mga pagtitipon na ito. Maganda rin na mas kilala mo ang mga tao in person, lalong-lalo na’t sila ay organizers, decision makers sa mga malalaking brands o potential sponsors. At kung maayos ka katrabaho (sa online at offline), pinapaganda mo rin ang imahe ng esports at gaming industry!
Ang pinakamahusay na esports hosts, analysts at casters ay marunong maghalo ng lahat ng mga advice na ‘yan. Maraming trabaho na kailangan gawin, pero ito naman ay dahil sa pagmamahal para sa esports at sa mga laro.
At kung manood man kayo ng isang tournament, magpakita naman kayo ng pagmamahal sa talent – nakikita, nababasa, at pinapahalagahan namin ang mga comments nyo!