Ito ay pagsasalin hango sa Original na English Article na ito.
Hindi man nila alam kung ano ang ibig nating sabihin kapag sinasabi natin ang mga bagay tulad ng frags o KDA, pero ang mga nanay ang kadalasang pinakamalaking cheerleaders sa mundo pagdating sa kanilang mga anak. Ngayong Mother’s Day, ipinagdiriwang natin ang mga matatag na mga kababaihan na ito na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga esports pro players na mga anak.
Ang ibang mga esports moms na ito ay nagpakita ng kanilang suporta para sa kanilang pro player na anak: Ang isang nanay ay nag-coach pa ng kaniyang anak sa Tekken 7, isang nanay na diehard FNATIC fan, at isang nanay na kayang sabihin saiyo lahat ng kampeon sa League of Legends.
Ito ang limang esports moms na umiintindi at sumusuporta sa esports dream ng kanilang mga anak:
Ang nanay ni Voyboy ay nagbigay ng isang wholesome post-game commentary
Napakaswerte ng dating League of Legends pro at ngayong fulltime streamer na si Joedat “Voyboy” Esfahani dahil may nanay siyang alam ang pinagkaiba ni Vayne kay Jax.
Nag-post si Voyboy ng isang serye ng text messages mula sa kaniyang nanay na nanood ng kaniyang paglaro sa Wild Rift tournament.
“GGs, amazing Vayne game,” sabi ng kaniyang nanay, at sabay cheer para sa kaniyang Tryndamere, Jax, and Diana.
Sobrang cool na marunong pa siya magsabi ng GG!
4. Ang nanay ni Ana ng OG ay pinayagan siya pumunta ng China para sa Dota 2
Baka hindi nanalo ng back-back Dota 2 The International titles ang OG kung hindi naniwala ang nanay ni Ana sa kaniya.
Noong panahong ang term na “esports” ay hindi pa masyadong aprubado ng mga magulang, ang nanay ni Ana ay nakakita ng potential sa kaniya, salamat sa pagkumbinsi ng kaniyang kuya.
“When he went to Shanghai… that’s my hometown,” sabi ng kaniyang nanay sa player profile ni Ana. “That’s why I decided to send him to China, to see if he has this talent.”
Masaya kami na sumugal ang nanay ni Ana para sa kaniyang anak!
Mayroong sariling Twitter ang nanay ni Boaster para sumuporta as FNATIC
Isa ito sa mga pinaka-wholesome na Twitter accounts! @Boaster_Mum ay nananatiling up to date sa balita tungkol sa kaniyang Valorant pro son na si Jake “Boaster” Howlett, ang kaniyang team na Fnatic, at ang kniyang VCT panel host na girlfriend na si Yinsu Collins sa pamamagitan ng kaniyang sariling Twitter account.
Public na nag-twi-tweet ang nanay ni Boaster tungkol sa lahat ng balita tungkol sa VCT EU at Fnatic, pinagmamalaki rin niya ang kaniyang Fnatic merch, at pinapalakas ang loob ng kaniyang anak sa kaniyang mga paparating na laban.
2. Tinuturuan ng nanay ni Vermilion sa kaniya ang Tekken
Ibinahagi ng Tekken 7 pro na si Raphael “Vermilion” Cueva ang mga nakakatuwang mensahe galing sa kaniyng biggest fan. Kadalasan hindi pamilyar ang mga nanay sa mga laro ng kanilang mga anak, pero ang nanay ni Vermilion ay tinuturuan ang kaniyang anak sa kaniyang mga hellsweeps, tsunami kicks, at sidesteps.
“Be less predictable to them,” payo sa kaniya ng kaniyang nanay. “Bluff if you have to, and set them up by planning your moves in advance.”
Napaka-solid na esports advice!
1. Gusto lang ng nanay ni TenZ na ubusin niya ang kaniyang pagkain
Bago pa man siya sumali sa Sentinels at bago pa ang Valorant, kumakain ng noodles si TenZ habang nag-stre-stream ng CS:GO noong pumasok sa kwarto ang kaniyang nanay.
Hindi siya masaya habang sinisigawan niya ang kaniyang anak na ubusin ang kaniyang pagkain, habang naka-score ang kaniyang anak ng isang double kill.
Gayunpaman, ang nanay ni TenZ ang kaniyang biggest supporter, at sobrang excited niya para sa kaniyang anak noong pumunta siya sa Iceland.
Warning: May pagmumurang maririnig sa video na ito.
Iisa lamang talaga ang totoong shotcaller sa buhay ng mga legends ng esports
Bonus: Kung ang nanay mo, si Kaisaya, ay isang tunay na esports mom
Shoutcaster, analyst, at dating Arena of Valor pro player para sa Liyab Esports na si Em “Kaisaya” Dangla ay isang aktwal na esports mom.
Siya ang go-to caster, analyst, at stats-woman ng kahit anong mobile MOBA sa Southeast Asia, mula sa Mobile Legends: Bang Bang, Marvel Super War, Arena of Valor, at ngayon, League of Legends: Wild Rift.
Siya rin ay isang manager at coach para sa maraming Wild Rift teams. Lahat ng ito habang isa siyang mapagmahal na nanay sa kaniyang anak na si Shanrei.
Happy Mother’s Day sa lahat ng esports moms!