Matapos ang 17 na taon, ang cast ng Friends TV show ay nagsama-sama muli sa Friends: The Reunion movie ng HBO Max.

Nakita muli ng mundo si Jennifer Anniston (Rachel Green), Courtney Cox (Monica Geller), Lisa Kudrow (Phoebe Buffay), Matt LeBlanc (Joey Tribbiani), Matthew Perry (Chandler Bing), at David Schwimmer (Ross Geller) na nasa Central Perk.

Tumagal ang iconic show na ito sa loob ng sampung seasons, at naging isa sa pinakamagandang televisions sitcoms of all time, hindi lang dahil sa kakatawahan at relatability nito, ngunit pati na rin dahil sa magical chesmitry ng anim na actors sa loob at labas ng screen.

Sa loob ng 236 episodes, nag-transition ang “Friends” mula sa late 1990s patungong early 2000s, isang panahon na kung saan nagsisimulang sumikat ang video games.

Mula sa Game Boy patungong PlayStation 1, ito ang limang video game titles na nakita sa Friends TV show.
 

5. Tetris 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Nakita sa: Friends Season 1 Episode 21 – The One with the Fake Monica 
Nilaro sa: Game Boy 

Naalala mo pa ba yung eksena kung saan humingi ng payo si Joey kay Phoebe para sa kaniyang bagong TV stage name? Sinabi ni Phoebe ang “Flame-boy” para palitan ang Joseph Stalin na suggestion ni Chandler.

Sa eksenang ito, naglalaro si Phoebe sa isang Game Boy. Hindi ibinunyang sa episode kung ano ang nilalaro niya, ngunit kung titignan mo nang maigi ang cartridge, makikita mo ang mga white pixels sa isang purple na background, at ang ibig sabihin niyo ay naglilipat ng blocks si Phoebe sa Tetris.

Baka siya, si Black Widow, at Captain America ay dapat magsama-sama para maglaro ng Tetris, eh?

4. Doom 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Nakita sa: Friends Season 2 Episode 8 – The One with the List 
Nilaro sa: Compaq Contura 4/25cx laptop 

Ano ang gagawin mo kung mayroon kang laptop sa 1990s na mayroong 12 megabytes ng RAM, 500 megabytes ng hard drive, built-in spreadsheet capabilities, at isang moden na nagtra-transmit ng higit sa 28,000 B.P.S! Games, syempre!

Sa episode na ito, tinulungan ni Joey at Chandler si Ross gumawa ng isang listahan para ikumpara ang kaniyang girlfriend na si Julie sa kaniyang matagal na crush na si Rachel.

Ngunit na-distract si Chandler at inimbita ang mga kaibigan niya na maglaro ng first-person shooter Doom sa bago niyang laptop.

3. Twisted Metal 2: World Tour 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Nakita sa: Friends Season 6 Episode 9 – The One Where Ross Got High 
Nilaro sa: PlayStation 1 

Ang character ni Matthew Perry na si Chandler ang gamer sa grupo, dahil mayroon siyang PlayStation 1 console na nakatabi sa apartment unit ni Joey.

Ang annual Thanksgiving episode sa Season 6 (kilala rin bilang trifle episode) ay nagsimula sa eksenang naglalaro si Joey at Ross ng co-op matches sa Twisted Metal 2: World Tour sa PS1 ni Chandler. Minamaneho ni Joey ang pulang junk car na Roadkill, habang si nililiko ni Ross ang putting sports car na Spectre sa loob ng Paris stage.

Hindi natin nalaman kung paano natapos ang laro dahil dumating na ang bagong roommate ni Joey na si Janine (Elle Macpherson).

2. Crash Team Racing 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Nakita sa: Friends Season 7 Episode 1 – The One with Monica’s Thunder 
Nilaro sa: PlayStation 1 

Nakita na natin laruin ni Chandler ang kaniyang PS1 sa “Friends” Season 7 pilot episode, “The One with Monica’s Thunder.” Naglalaro siya ng Crash Team Raching sa isang Hot Air Skyway track nang pumasok sa kwarto si Joey.

“PlayStation is whack,” sabi ni Joey. 

Sangayon kami diyan! 
 

1. Ms. Pac-Man 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Nakita sa: Friends Season 8 Episode 12 – The One Where Joey Dates Rachel 
Nilaro sa: Arcade machine 

Dahil isa siyang cool na tao, niregaluhan ni Phoebe si Chandler at Monica ng isang vitage Ms. Pac-man arcade machine bilang isang post-wedding gift. 

Nilaro ito ni Chandler sa loob ng walong oras, at tinanggal ang scores ni Phoebe sa leaderboard, at ang resulta ay isang clawed na kanang kamay.

Ibinunyag din sa episode na ito na isang arcade gamer si Monica, at ang paborito niyang laro ay ang laro kung saan “maghuhulog ka ng barya at makakakuha ka ng candy bar” a.k.a isang vending machine.

Natapos ang episode na ito na nakita natin ang iconic at katawa-tawang expressions ni Phoebe, kung saan nabigo siyang talunin ang score ni Chandler sa leaderboard.
 

BONUS: ‘Friends’ Phoebe (Lisa Kudrow) ay isang malaking Nintendo gamer sa totoong buhay 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Oo, si Lisa Kudrow a.k.a. Princess Consuela Bananahammock slash Regina Phalange slash Phoebe Buffay ay isang gamer sa totoong buhay. 

Sa katunayan, mayroon siyang Game Boy noong 90s hanggang sa nawala ito ng kaniyang kaibigan at late-night talk show host na si Conan O’Brien sa isa sa mga taping niya.

Hilig laruin ni Kudrow ang kaniyang Game Boy sa tuwing wala siya sa television spotlight. Ito ang isa sa mga bagay ni hindi pwedeng mawala sa buhay niya. 

“Actually only two things: my PalmPilot, and of course, my Game Boy,” ibinunyag ng Friends star sa Cosmopolitan.

Pinalitan ni Kudrow ang kaniyang nawawalang Game Boy sa isang Nintendo DS na aminado siyang “guilty pleasure” para sa kaniya, ayon sa isang interview sa People magazine.

Nakita pa nga siya sa iilang Nintendo DS commercials na nag-feature ng mga laro tulad ng Professor Layton at Personal Trainer: Cooking.

Kung naging nostalgic ka matapos basahin ang article na ito, panoorin mo ulit ang Friends sa Netflix at ang Friends: The Reunion movie sa HBO Max.