Napaka-imporante ng vaccines para sa health at safety ng populasyon sa COVID-19 pandemic na ito.

Isang Genshin Impact fan ay pumunta sa isang vaccination site nang nakaporma bilang ang healer ng Mondstadt na si Barbara.

Nakatanggap ng COVID-19 vaccine ang Barbara cosplayer na ito 
Credit: Dulce

Nakatanggap ng kaniyang COVID-19 vaccine shot ang Mexico-based cosplayer Dulce (sweet cosplay) habang suot-suot ang kaniyang Barbara cosplay na costume. Nakita sa viral photo na nakaupo ang Barbara cosplayer na ito habang tumatanggap ng kaniyang vaccine jab.

Nakipag-picture din siya kasama ang mga frontliners at staff sa site habang nakasuot ng mask.

Nagiyak ang mga Genshin Impact fans nang makitang makakuha ng “healing” sa totoong buhay si healer Barbara. Hinikayat din ng Barbara cosplayer ang lahat na magpabakuna na kaagad para mabigyan proteksyon laban sa virus.

Si Barbara ng Genshin Impact 
Credit: miHoYo

Si Barbara ang masiyahin at positibong deaconess ng Church of Favonius ng Mondstadt. Siya ay paborito ng karamihan dahil sa kaniyang itsura at galaw.

Si Barbara ay isang four-star Hydro catalyst na character, at kapatid ni Jean ng Knights of Favonius. 

Bibigyan ng libreng regalo ng Mexico ang kahit sinong magpabakuna nang naka-cosplay
Credit: Dulce

Pangkaraniwan nang makikita ang mga cosplayers sa mga vaccination sites sa Mexico. Ang Nezahualcóyotl government ay naghihikayat sa mga kabataan na magpabakuna sa pamamagitan ng pagbigay ng insentibo sa mga cosplayers at kahit sino mang pupunta sa site nang naka-costume.

Ayon sa The Guardian, ang mga Mexican cosplayers na nakakuha ng kanilang vaccine jabs ay makakatanggap ng regalo sa pagtatapos ng session.