Mula sa shoutcasting, graphic designing, editing, game development, programming, production, marketing and management, communications, advertising, finance at accounting, ang esports ay nagbibigay ng trabaho sa mga tao mula sa iba’t-ibang propesyon lalo na ngayong panahon ng pandemic.
At iyan mismo ang misyon ng Collegiate Center for Esports (CCE).
Inaasahang magbubukas ng mga oportunidad ang CCE hindi lang sa mga manlalaro kundi sa iba ring mga propesyonal.
Ang Collegiate Center for Esports, na ini-stream sa CALM Network at sinusuportahan ng Rebel Sports at Bio-Agrownica, ay ang kauna-unahang organisadong campus-based na liga sa bansa.
Collegiate Center for Esports nais maglaan ng oportunidad para sa iba’t-ibang propesyonal
“There’s an array of careers in esports and shoutcasting is just one of those,” wika ng beteranong esports caster at analyst na si Caisam “Wolf” Nopueto.
Ngayong may mga eskwelahan nang naghahain ng esports bilang isang lehitimong programa tulad ng College of St. Benilde at Lyceum of the Philippines University, hindi na maitatanggi na isa itong malinaw na career path.
“Esports is really becoming a career path. There is really a goal here (not just from a gaming standpoint). You can be a videogame designer, producer or programmer in the future. It’s a successful program for us so far,” sabi ni St. Benilde athletic director Dax Castellano.
Sa katunayan, nakapagbigay na ang Collegiate Center for Esports ng oportunidad para sa 20-year-old student na si Santie Magcalas na nagsisilbi bilang isa sa mga event caster kasama sila Wolf at Shin Boo Ponferrada.
“Napakalaki ng esports community at lumalaki pa. Hindi na lang siya tungkol sa mga players. Binubuo siya ng iba’t ibang tao. Mas maraming opportunities, mas maraming trabaho,” ani ni Magcalas, isang Tourism Management student mula sa Capiz.
Naniniwala naman si Ponferrada na lalago pa ang industriya ng esports.
“The thing about esports shoutcasting is it is a very dependent profession. Kung walang esports, wala kami. But as long as it continues to be successful, it would be a really lucrative career especially when traditional media also started venturing into it,” sabi ni Ponferrada na nakilala dahil sa mga trabaho niya sa industriya simula pa noong 2014.
“The exciting part here is the idea of bringing the schools in. It bridges the gap between the academe, traditional sports and esports. Imagine the possibilities of combining that together through CCE.”
Mobile Legends: Bang Bang ang panimulang esports title ng Collegiate Center for Esports
Nagsimula nang lumarga ang Collegiate Center for Esports sa pamamagitan ng isa sa mga pinakasikat sa esports title ngayon, ang Mobile Legends: Bang Bang.
Tumatakbo sa kasalukuyan ang CCE MLBB: 1-on-1 Exhibition Matches. Tampok sa playoffs ng naturang torneo ang mga basketball player mula sa College of St. Benilde, Lyceum. Emilio Aguinaldo College, Jose Rizal University, San Beda University, San Sebastian College-Recoletos, University of Perpetual Help System DALTA at Mapua University.
Ang CCE 1v1 ay nagsisilbing pampagana para sa 5-on-5 Varsity Cup na gaganapin sa susunod na buwan. Isasagawa ang Varsity Cup bago ilatag ng CCE ang kompetisyon nito na paglalabanin ang mga regular na esports players.
Maaari niyong subaybayan ang Collegiate Center for Esports sa pamamagitan ng Facebook page nito.