Nagsanib-puwersa ang Team Liquid at Marvel para mabuo ang bagong collection kung saan tampok ang Japanese Spider-Man.
Ang unang tingin sa Japanese Spider-Man 1978 capsule collection ng Team Liquid
Ang bagong 1978 capsule merchandise ay pinangungunahan ng isang mapormang itim na hoodie. Meron itong pulang linings sa may bulsa, hood, at sleeves para sa malinis pero astig na dating. Sa harap, may Japanese Katakana writing na “スパイダーマン” na ang ibig sabihin ay Spider-Man.
Meron ding Garia jacket na ipinangalan sa isang alien na nagbigay kay Japanese Spider-Man ng makabagong Spider Bracelet.
Ang likod ng nasabing jcaket ay may close-up shot ng itim at puting mata ni Spider-Man, na pwede ring ipares sa itim na jogger pants na may parehong design.
Available din ang mga t-shirt ng Spider-Man at Leopardon, ang sariling mecha ng Japanese superhero.
Ang short-sleeved t-shirt na ‘to ay mabibili sa itim at gold na kulay.
Bukod sa mga ito, meron ding long sleeve tee na sakto para sa mga malalamig na araw. Tampok dito ang dilaw na Japanese Spider-Man text, “Liquid” na nakasulat sa puti, at close-up ng mata ng superhero na nakalagay sa pulang base color.
Narito ang Counter-Strike: Global Offensive player ng Team Liquid na si Jacky “Stewie2K” Yip suot ang Team Liquid x Marvel Spider-Man 1978 capsule collection.
“At Team Liquid Apparel, we’re deeply interested in building bridges between different communities across gaming culture,” saad ng Apparel Business Manager na si Logan Leavitt.
“Spider-Man 1978 caught our attention immediately because of a similar spirit of connection. It’s essentially a Japanese mech and martial arts action show, but Spider-Man as the main character — there’s a lot to love. We’re really proud to pay homage to such a unique part of Spidey’s history.”
Sino si Japanese Spider-Man?
Si Yamashiro Takuya ang sariling Peter Parker ng Japan. Si Yamashiro ang bida sa Japanese Spider-Man series, isang live-action na palabas na gawa ng Toei Company na noong 1978 pa um-ere.
Bagamat binase sa orihinal na Spider-Man, ang Japanese Spider-Man ay angat dahil sa nakatutuwang catchphrases nito at astig na poses. Kung tutuusin, para lang siyang adaptation ng classic New York costume pero may bahid ng tokusatsu.
Tampok din ang Japanese Spider-Man sa paparating na Spider-Verse 2 movie na ipalalabas sa susunod na taon.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.