Binubuo ng mga detalyadong level designs ang mga video games na kadalasan tinatapos ng mga players sa loob ng mga ilang minuto lamang, ngunit gaano katagal nga ba gawin ang isang video game level?
Kasabay sa pagdiwang ng 10th anniversary ng Uncharted 3 sa November 1, ibinunyag ng video game developer na si David Ballard ang iilang detalye tungkol sa isa sa mga pinaka-iconic level ng laro.
Credited si David Ballard bilang isang environment artist sa Uncharted 3, at sinabi niyang ito ang isa sa pinaka-paboritong projects na ginawa niya.
Gaano ba katagal I-design ang isang video game level?
Nagbahagi ng iilang facts tungkol sa Talbot chase sequence sa Chapter 11, As Above, So Below. May isang dynamic na mahabang daan na sinusundan ang bida na si Nathan Drake sa mga kalye at gusali ng Yemen.
Bagamat mukhang hindi matatapos ang paghahabol ni Nate, ibinunyag ni Ballard na ang buong chase sequence ay isang kilometro at makukumpleto ito sa loob ng 5 minutes.
Naglaan ang environment artist na ito ng isang taon sa Talbot chase kasama ang mga iba’t-ibang collaborators; sila ang nag-design ng mga assets na nakikita at ginagamit sa level na ito.
Pag tinignan ang credits ng Uncharted 3, nakipag-trabaho si Ballard sa 11 iba pang environment artists para mabuo ang settings ng action-adventure classic.
Dahil sa isang taon na trabaho na napunta sa limang minuto ng gameplay, masasabi nating nakapaghatid si Ballard at ang development team ng hindi malilimutang level para sa Uncharted franchise.
Maari mong tignan ang buong chase scene sa walkthrough dito:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga Gaming na balita, gabay, at highlights.