Bukod sa pagiging mahusay na tank, isang masugid na anime fan din si Allan “Lusty” Castromayor ng Bren Esports.
Sa sobrang hilig ng pro MLBB player na ito sa anime, ipina-tattoo nya ang ilan sa mga paborito nyang anime characters sa kanyang braso. Sa katunayan, balak nyang magkaroon ng tattoo sleeve na puno ng anime characters. Pero anu-ano na ba ang mga naipalagay nyang tattoo?
“Straw Hat crew, pero kulang pa ng dalawa sa right. Tapos yung sa leeg ko, yung sa Tokyo Revengers, sina Kazutora tsaka Mikey,” sabi ni Lusty.
Tinanong din sya ng ONE Esports kung alin sa mga anime tattoo nya ang kanyang paborito at bakit. “Si Chopper, sya kasi talaga yung pinakagusto ko sa Straw Hat crew,” sagot ni Lusty.
Bilang mga anime fans, tinanong din namin ang Bren Esports roamer kung ano ang top five anime para sa kanya, at narito ang kanyang sagot.
Top 5 anime ni Lusty
1. One Piece
Halata naman siguro sa kanyang mga tattoo, kaya’t hindi nakakagulat na nangunguna ang One Piece sa listahan ng Bren Esports roamer.
“Maganda kasi yung kwento tsaka mahirap hulaan kung anong mangyayari sa huli, tsaka ang cute ni Chopper,” paliwanag ni Lusty.
2. Log Horizon
Isang isekai na bagay na bagay sa isang gamer na tulad ni Lusty. Ayon sa kanya, naaangasan sya sa kakaibang talino ni Shiro. Bukod dito ay fan din sya ng mga nakasalamin.
3. Tokyo Revengers
Kinikilala bilang isa sa mga pinakamagandang anime ng 2021, nagustuhan ito ni Lusty dahil naaalala nya ang dati nyang sarili na palaging sumasama sa mga away para lang maging cool sa school. Pero syempre good boy na sya ngayon.
4. Ao Haru Ride
Sino bang mag-aakala na may soft side din pala ang tigasin na tank ng Bren? Ito daw yung anime na inuulit-ulit niya kasi kinikilig sya. Yihieee!
5. Kuroko no Basket at Slam Dunk
Dalawa ang entry number five ni Lusty, dahill ukod sa pagiging mahusay na pro esports athlete ay mahilig din sya sa basketball. At pag sinabing anime tungkol sa basketball, itong dalawang ito ang unang papasok sa isip ng mga fans.
Alin na sa mga anime na ito ang napanood mo na?