Halatang pinukaw sa kultura ng mga Pilipino ang pinakabagong champion ng League of Legends na si Zeri. Maliban sa pagkumpirma ng kaniyang voice actress na si Vanille Velasquez na siya ay “Filipino-coded,” may mga iilang pahiwatig na makikita sa kaniyang voice lines, champion design, at lore. 

Ang paglabas ng lore ni Zeri ay nagpahiwatig muli sa kaniyang pagka-Pinoy, at kasama dito ang isang sikat na meryenda ng mga Pinoy. 

Canon ang Pinoy snack na banana cue sa League of Legends universe 

League of Legends Zeri Philippines
Credit: Riot Games, ONE Esports

Pagdating sa Pinoy meryenda, isa sa mga paborito ang banana cue. Ngayon, talagang mayroon nito sa Runeterra, at kumpirmado ito sa lore ni Zeri. 

Lumabas ang meryenda na ito sa champion lore na “The Unexpected Spark” na sinulat ng Riot Games Narrative Writer na si Michael “SkiptoMyLuo” Luo.  

Nagsimula ang maikling storya sa isang pagpapakita ng kabaitan ng batang Zaunite; sinabihan niya si shopkeeper Moe na itabi na ang sukli matapos siya bumili ng spare parts. 

“Get some banana cues. For your girls,” pinilit ni Zaun champion. 

Binanggit din ng narrative ang “marinated chicken dish” ni Auntie Maria, na posibleng tumutukoy sa adobo ng Pilipinas. Ito ay isang Pinoy na ulam na may karne, seafood, o gulay na nilaga at binabad sa marinate sa pinaghalong bawang, toyo, at suka. 

Tinukso rin ng ending ng lore ng champion ang posibleng appearance ni Zeri sa League of Legends anime ng Netflix na Arcane Season 2. 

Maaring basahin ng mga League of Legends fans ang lore ni Zeri dito

Sangkap at presyo ng banana cue

banana cue League of Legends Zeri lore
Credit: Judgefloro

Ang mga banana cue ay mga caramelized na saging na pinahiran ng asukal at pinrito sa isang wok, at ito ay inihanda sa isang tuhog at binebenta sa daan bilang meryenda. 

Madali lang gawin ang meryenda na ito. Ito ang mga sangkap niya: 

Sangkap: 

  • Plantains 
  • Brown sugar 
  • Cooking oil 

Ang isang banana cue ay may halagang US$0.20 hanggang US$30 (₱10 to ₱15).