Ready for business na ang TSM esports performance center!
Binuksan na ng North American esports organisasyon na Team SoloMid (TSM) ang pintuan sa kanilang US$50 million esports center, ang pinakamahal na gaming facility sa buong mundo.
Under construction ang facility na ito simula pa ng 2020 at nasa gitna ito ng Playa Vista neighborhood sa Los Angeles. Ito ay isang 25,000-square-foot na espasyo, at ito ang pinakamalaking esports headquarters sa western hemisphere.
Ano ang nasa loob ng TSM esports performance center?
May mga cases ng lahat ng mga achievements ng organization ang main lobby ng pasilidad na ito. Kasama na dito ang isang trophy case na kung saan makikita mo ang mga panalo ng TSM. Mayroon ding higanteng 10-foot screen ang lobby na nagpapalabas ng TSM content 24/7.
Maaring mag-host ng mga parties para sa staff at members sa red room para mapanood ang mga live matches ng organisasyon. Ang staff ng kompanya, kasama na sina Blitz.gg at Icon Talent Agency members, ay magtatrabaho sa office pit sa gitna.
Kasama na din sa gaming facility na ito ang top-notch catering mula sa mga professional chefs sa mga kusina ng mga employee at players.
Ipinagyayabang ng performance center na ito ang isang Logitech G Room kung saan maaring pumili ang mga TSM players at talents ng kanilang gaming peripherals na kasama na din ang buong G catalog.
Mayroon ding state-of-the-art gym ang gaming facility na ito na maaring gamitin ng mga players at staff, kasama pa ang isang holistic wellness area para sa mga gusto mag-relax. Ang merch room naman ang lugar kung saan mahahanap mo ang mga team designs at tests ng creative team ng TSM. Dito mo rin mahahanap ang mga pparel at collectibles nila.
Makikita naman sa second floor ng pasilidad ang LCS scrim room ng organisasyon, stream rooms, at content studio. Ginaganap ang mga scrims ng main League of Legends roster ng TSM sa performance center sa LCS season.
Ang mga bigating pangalan na streamers ng kompanya ay maari ring mag-live sa pasilidad na ito sa mga soundproof rooms na may double PC streamer setup.
At sa wakas, mayroon ding Lenovo Lounge kung saan maaring mag-host ng mga match reviews at data collection sessions ang mga players at staff.
Ang buong pasilidad na ito ay na-feature sa isang online tour sa YouTube channel ng TSM. Maaring pumunta ang mga fans sa opisyal na website ng organisasyon para maranasan ang virtual tour ng pasilidad.
Na-rank bilang most valuable esports company ang TSM ng Forbes noong 2020. Noong June 7, 2021, pinagpatuloy na pataasin ng organisasyon ang kanilang halaga matapos pumirma ng isang US$210 million deal sa cryptocurrency trading platform na FTX at iniba nila ang pangalan nila sa TSM FTX.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, This US$50M TSM esports performance center is the most expensive in the world.