Hindi naging hadlang ang kaniyang edad sa kaniyang paglalaro ng games. Para sa 45-year-old Valorant streamer na si Ric Santos, a.k.a Old Noob Gaming, nais niya lang gawin ang mga bagay na in-e-enjoy niya – ang paglalaro.  

Isa rin siya sa mga streamers na nagumpisa dahil sa pandemya. 

“Sinubukan kong mag-stream kasi marami na rin akong napapanood na streamers, tapos wala lang, sinubukan ko lang, tapos meron naman palang manonood sakin. So tinuloy-tuloy ko nalang din,” ani ni Old Noob Gaming. 

Hindi nakakaramdam ng pressure si Old Noob Gaming sa kaniyang pag-stream 

Valorant Old Noob Gaming
Source: Old Noob Gaming Facebook page

Hindi naman ako nakakaramdam ng pressure or competition kasi I don’t see them [ibang streamers] na parang competition. Kumbaga iba naman yung viewers nila, ganoon. Hindi ko alam, I don’t look at them as parang competition talaga, co-streamers lang ganoon. Parang kasi mas less pressure din sa akin kasi pag tinitgnan ko na parang competition sila, kailangan may gimmick ako araw-araw,” sabi niya. 

Dagdag pa niya, ang kakaiba sa kaniya bilang isang streamer ay nais niyang makipag-interact sa mga viewers niya, at hindi lang magpokus sa laro. 

“Ako kasi hindi lang ako naka-focus sa nilalaro ko. Mas binibigyan ko ng time yung mga viewers ko. Hindi lang siya parang yung sa game lang, I make it a point to read their comments, to interact with them, ganoon. Hindi lang siya talagang gaming lang, kumbaga gusto ko na meron kahit papaanong communication with my viewers,” sabi ni Old Noob Gaming. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa paborito mong Pinoy streamers.