Inilabas na ang opisyal na trailer para sa Resident Evil Netflix series noong Geeked Week 2022, ang virtual showcase ng mga paparating na sci-fi at fantasy titles ng nasabing streaming platform.

Nakabase sa survival horror game franchise na may parehong pangalan ang The Resident Evil na series, pero hindi masyadong saklaw sa storya nito ang T-virus. Umiikot ang palabas sa dalawang ampon ni Albert Wesker at kung paano nila nadiskubre ang malagim na sikreto ng kanilang kumpanya na Umbrella Corporation.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Resident Evil series, katulad ng storya, bilang ng mga episode, mga gaganap na artista, at kung kailan ipapalabas.

Tungkol saan nga ba ang Resident Evil Netflix series?

Tungkol sa global outbreak ng T-virus ang sci-fi horror series na Resident Evil. Ang virus na ito ay may kakayahang gawing zombie o malakas na halimuaw ang sino mang mahahawaan nito.

Sa dalawang magkaibang panahon iikot ang storya. Una ay sa taong 2022, ang simula ng virus outbreak sa Raccoon City, ang lokasyon ng Umbrella Corporation.

Trabaho ni Wesker na gumawa ng mga anti-depressant na kung tawagin ay “Joy”. Nagbibigay ito ng mga benepisyo sa kalusugan ng mga gumagamit, pero naglalaman din ito ng nakamamatay na T-virus. Ang mga anak niyang sina Billie at Jade, na test subject dapat para sa nasabing gamot, ang makakabuko sa masamang pinaplano ng kumpanya.

Ang ikalawang panahon naman ay sa taong 2036. Tampok na dito si Jade at kung paano siya namumuhay mag-isa sa lansangan ng London. Ngayong nasakop na ang mundo ng mga zombie, kailangang makipagtulungan ni Jade sa mga iba pang survivor bilang huling pag-asa ng sangkatauhan.

Bilang ng episode at mga direktor

Ang unang season ng Resident Evil ay may walong tig-60-minuto na episodes. Sa likod ng mga ito ang apat na direktor: Bronwen Hughes, Rob Seidenglanz, Rachel Goldberg, at si Batán Silva.

Ang cast ng Resident Evil Netflix series

Narito ang cast ng Resident Evil series sa ngayon:

ARTISTAGAGANAP BILANG
Siena AgudongBillie Wesker (2022)
Tamara SmartJade Wesker (2022)
Adeline RudolphBillie Wesker (2038)
Ella BalinskaJade Wesker (2038)
Lance ReddickAlbert Wesker
Turlough ConveryTBA
Connor GosattiTBA
Paola NúñezEvelyn Marcus
Lea VivierSusana Franco
Mpho Osei TutuYen
Ayushi ChhabraDr. Amrita Singh
Christina KnightMs. Foster
Emile HagerAlan
Hanni HeinrichJanet
Ahad Raza MirArjun Batra
Bjorn SteinbachFelix Mort

Kailan ipapalabas ang Resident Evil

Ipapalabas ang Resident Evil Netflix series sa ika-14 ng Hulyo.



Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Tarnished Viper! Randy Orton gumastos na ng 551 million Runes sa Elden Ring