Ito ay ang pangalawang article ng ONE Esports mula sa isang exclusive interview na serye kasama si Shunsuke. Basahin ang kaniyang origin story at kung paano siya napunta sa photography at cosplay sa aming unang article.
Mula sa isang maliit na village sa Switzerland ang Tier One cosplayer na si Shunsuke. Walang nakarinig ng salitang “cosplay” sa kaniyang komunidad noon.
Ang rason kung bakit siya napunta sa cosplay ay dahil nagiiba ang mga interes niya at ng kaniyang kababatang kaibigan habang tumatanda sila, at naisip nilang maghanap ng common ground. Sa edad na 14, na-diskubre nila ang bagong libangan na ito at nagsimulang mag-cosplay.
Nahiligan ni Shunsuke ang photography dalawang taon bago mag-cosplay, at naging isang “handy at convenient” na skill ito, sinabi niya sa ONE Esports sa isang ekslusibong pahayag.
Kasabay ng cosplay, dumalo rin siya sa Mittelschule (isang salita para sa gymnasium), hanggang sa naging 19 years old siya, isa itong advanced academic track na naghahanda ng mga estudyante para sa kanilang patuloy na pag-aaral. Pagkatapos ay nagtrabaho siya sa isang accounting office para makakuha ng karanasan bago mag-major ng business sa university. At noong panahon na ‘yon, ang kaniyang self-employed cosplay business ay kumikita na ng sapat matapos ang isa at kalahating taon.
Matapos niyang mapag-tanto na hindi na siya masaya sa pag-aaral ng business—at nakabuo na siya ng isang income stream—nag-drop out siya sa univeristy matapos ang unang semester para ipagpatuloy ang kaniyang cosplay bilang isang fulltime career. At nakakuha siya ng mga iba’t-ibang reaksyon mula sa kaniyang pamilya.
Ibinahagi ni Shunsuke ang isang nakakaiyak na kwento tungkol sa kaniyang tatay at ang kaniyang pag-suporta sa kaniyang cosplay career
Kahit na “really chill” umano ang pamilya ni Shunsuke, hindi naman sila “extremely supportive” noong nagpasya siya na itigil ang kaniyang pag-aaral ng finance at business.
“They were worried, of course, but after a couple of years living on cosplay, they realized that I can make a living out of this so they started trusting me a bit more,” sinabi ni Shun sa ONE Esports.
Kinwento niya na ang kaniyang tatay ay “naguluhan” sa cosplay. Siya ay Portugese, at lumaki sa kabukiran at naglalaro ng football—isang malaking kaibahan sa buhay na pinili ni Shunsuke.
“I wouldn’t say he wasn’t supportive that his son would put on a wig and makeup,” sinabi niya. “It’s so different from what I’m doing, so it’s hard for him to understand.”
Noong 2019, mas napalapit pa sila.
Ang World Cosplay Summit (WCS) ay ginaganap bawat taon ng isang committee ng mga Japanese companies at organisasyon. Simula 2013, mga local cosplay na kompetisyon ang nagaganap sa buong mundo para malaman kung sino ang mga magiging representative sa WCS. Lumahok si Shun noong 2019 dahil gusto niyang irepresenta ang Switzerland sa Japan.
Isa sa mga bagay na kinailangan niyang gawin ay isang performance habang suot-suot ang isang handmade na costume, at kasama ang kaniyang partner, nanalo sila para ma-irepresenta ang Switzerland.
“I remember my dad in the audience. When they announced the winners, he started crying,” kwento ni Shunsuke. “I just remember his smile, and he was crying. It was so cute. I never saw my dad this happy for me, and it was for cosplay.”
“He really is supportive and happy that I thrive in this industry.”
Sundan si Shun sa Twitter (@Shunsukecos) at sa Instagram (@shuncoser) at suportahan ang kaniyang pag-cosplay.