Madaling sabihin na pang-bata lamang ang mga video games ngayon at nalilimutan ng karamihan na mayroon itong kasaysayan na nagmula pa ng ilang dekada.
Binalik tayo ng Gamer’s Paradise Episode 5 sa mga retro video games na nakabuo ng isang henerasyon ng gamers, tulad ng mga content creators na sina Aya Ezmaria at Umehara Keiji na naging special guests sa The Pulse segment.
Si Gian Lois “Gloco” Concepcion ang naging bida ng Hero Story at dinala ang mga nanonood sa behind the scenes kung paano siya naging isang fishing enthusiast at nursing student patungo sa isang pinoeer sa streaming ng Pilipinas.
Binuo ng nostalgia ang Gamer’s Paradise Episode 5
Sa The Pulse, binoto ni Aya ang bida ng Tomb Raider na si Lara Croft nang walang duda. Ngunit hindi sumang-ayon si Keiji, at sinabi na ang makisig na British archaeologist at adventurer ay hindi umabot sa mga requirements ng isang video game icon.
Pinili niya si Pikachu, isa sa pinakakilalang Pokemon sa franchise. Cute si Pikachu at kilala siya ng lahat, sabi ni Keiji, habang hindi mo ito masasabi para sa blocky version ni Lara noong una siyang lumabas noong late 1990s.
Napunta sa Hero Story ang show, at binigyan ng pansin si Gloco at ang kaniyang journey. Nagpahinga ng isang taon ang 24-year-old matapos grumaduate sa nursing school para hanapin ang sarili niya at makapag-desisyon kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.
Puro streaming at pagbuo ng “Let’s Play” videos na may commentary ang kaniyang mga ginawa noon. Ngunit kinailangan rin niyang isipin kung paano niya susuportahan ang kaniyagn sarili sa panahong ito, at kumuha siya ng isang trabaho bilang English teacher para sa mga Japanese students na nakatulong para mabayaran niya ang mga bills niya sa loob ng isang taon.
Sumikat ang kaniyang pag-stream, at nabigyan siya ng oportunidad na gawin itong isang full-time career. “I saw results and it was enough to keep me going for another year,” naalala niya. “And the year after that, it just kept growing and growing, and here I am.”
Para tapusin ang episode, sinamahan ni Gloco sina Aya at Keiji sa House Party, kung saan naglaro sila ng Pictionary na naka-pokus sa mga retro video game characters.
Umeere kada Lunes sa ONE Esports social channels ang Gamer’s Paradise, tulad ng Facebook, Twitch, YouTube, at AfreecaTV tuwing 8:30 p.m. GMT +8.