Isang ‘gamer kid’ simula day 1, pangarap na ni Hama TV a.k.a. Bernadon Jovanni Epino ang maging isang professional gamer. Nagumpisa ang kaniyang professional gaming career noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang, at ngayon siya ay isa nang coach ng mga Valorant pro teams, katulad ng Kadiliman.
Hama TV: Para sa mga gamer kids since day 1
Matapos makapagdesisyon na mag-stream ng kaniyang mga laro, natuklasan ni Hama TV na ang kaniyang passion ay ang pagtulong sa ibang gamer kids para mas humusay sa kanilang paglalaro ng Valorant. Kaya naman maliban sa pag-stream ng kaniyang mga laro, gumagawa rin siya ng mga tutorials kung saan nagbibigay siya ng tips at tricks kung paano sila pwedeng gumaling.
“’Yung passion ko is ‘yung magturo ng ibang tao, kasi noong nag-start [ako] sa pro career ko halos walang nagtuturo sa’kin. There are some that I respected that taught me how to play the game, then gusto ko lang i-pass on yung knowledge sa mga taong hindi gaanong nabibigyan ng opportunity,” ani ni Hama TV.
Ani’ya, nais niyang maging parte ng kanyang gaming journey ang kaniyang mga supporters, na tinuturing din niya bilang mga tropa.
“Okay lang if hindi ako maging top player or anything like that, but the thing is, gusto ko lang makita kayo na mag-prosper kayo sa gusto niyo, sa sinasabi niyong hobby na naging passion niyo, na naging whole life niyo,” sabi niya.
Ang payo niya para sa mga aspiring streamers: pag may tiyaga, may nilaga.
“Always keep [on] grinding and grinding. You don’t know when your story will start. Then after noon, once na nag-grind ka nang [nag-grind], ‘yun na yung best part na darating. Lahat na darating sayo,” dagdag ni Hama TV.
Sundan si Hama TV sa kaniyang opisyal na Facebook page, at ‘wag kalimutan I-follow ang ONE Esports Philippines para sa karagdagang storya tungkol sa mga paborito mong Pinoy streamers.