Isa ang Mobile Legends: Bang Bang North American Development League (NDL) sa mga turneong planong iraos ng Moonton.
Nauna itong ianunsyo ng noong M4 World Championship kasama ang ilang professional players sa naturang rehiyon at mga opisyal ng Moonton.
Bukod sa pagkakataong mahasa ang kanilang husay sa MLBB, tampok sa NDL ang 40,000 MLBB diamonds at US$500 para sa hihiranging kampeon. Bukas na rin ang registration para sa mga interasadong koponan.
Sa kabila nito, tila hindi ata ikinagagalak ni Michael “MobaZane” Cosgun, ang jungler at captain ng The Valley, dito.
- RRQ Skylar inihayag ang dahilan sa likod ng kanyang recall laban sa ECHO
- Narito ang payo ni Sanji ng M4 champion ECHO sa mga nais maging Mobile Legends pro players
MobaZane dismayado sa NDL prize pool
Dalawang yugto na ng M-series tournament napapatunayan ni MobaZane na kayang makipagsabayan ng mga taga-North America sa mga pinakamagagaling na manlalaro sa buong mundo.
Noong M3 World Championship, tinapos ng BloodThristyKings ang kanilang kampanya sa ikatlong puwesto, ang pinakamataas para sa non-MPL team. Naghati naman sila ng Falcon Esports sa 5th-6th place noong M4 World Championship.
Kaya naman hindi naitago ni MobaZane ang kanyang pagkadismaya sa prize pool ng NDL.
“The Valley to the NDL? The prize alone is only around US$500, like a meme,” aniya sa AFK Gaming. “I’m not in the mood to play there, it’s a waste of time.”
(The Valley sa NDL? Naglalaro lang sa US$500 ‘yung prize pool, parang meme. Wala ako sa mood na maglaro doon, sayang lang ang oras.)
Inihayag niya rin ang kanyang saloobin tungkol sa pagpapa-unlad ng eksena sa North America, na kung tutuusin ay kailangan talaga ng swerte.
“Sometimes not many people care about the competitive scene of MLBB in North America. You will find if difficult to make a career (as a pro player) here unless you are lucky,” giit niya.
(Minsan wala masyadong may pake sa competitive scene ng MLBB sa North America. Mahirap gumawa ng karera bilang pro player, puwera na lang kung swerte ka.)
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Ayon kay MobaZane, ito ang region na dapat tanggalan ng slot kung gagawing 2 NA teams sa M5