Malawak na at patuloy pang lumalawak ang hero pool sa Mobile Legends: Bang Bang. Pangunahing rason kung bakit patuloy ang adisyon ng mga bagong karakter ay para mapanatili ang lebel ng kumpetisyon gayundin, mabigyan ng mas maraming pagpipilian ang players para ma-enjoy ang paborito nilang MOBA.
Gayunpaman, may ilang heroes na namumukod-tangi dahil sa kanilang flexibility sa loob ng laro kaya naman malimit ang pagkakataong nawawala sila sa meta. Sa mga hindi pa nakakaalam, multirole heroes ang tawag sa mga ito.
Kumpleto ang attributes ng mga karakter, dahilan kung bakit maaari silang gamitin sa iba’t-ibang roles na kasulukuyang mayroon sa MLBB. Inilista naming ang ilan sa kanila:
3 Multirole heroes sa MLBB
Chou
Sa usapang multirole heroes, pinakauna sa listahan ang Chou. Bukod sa tipikal sidelane role (EXP o Gold) at sa umusong tank position na ginagawa sa hero sa competitive play ngayon, well-rounded ang attributes ng fighter kaya naman puwede siyang isalang din bilang position 4 (na nag-cleaclear ng waves at tumutulong sa team fights) at kahit pa jungler.
Matatandaan sa nakalipas na season ng MPL Philippines at MPL Indonesia, naisalang na ang Chou sa core position, at may rason kung bakit ginawa ito. Disente ang damage na kayang ilabas ng Kung Fu Boy, at may in-and-out kit din ang hero dahil sa Jeet-Kune-Do at Shunpo abilities niya. Swabe din na may kunat ang hero lalo na kung bubuuan ng tank items.
Valentina
Tipikal na banned out ang Valentina sa ranked games at competitive play ngayon dahil isa ito sa mga itinuturing na OP mages sa Land of Dawn. Bukod dito, isa ito sa mga maituturing na flex picks dahil isa ito sa mga multirole heroes. Tipikal na sa EXP lane at sa midlane naisasalang ang hero sa competitive play (kung nakakalusot), pero hindi malabong sa ranked games, may mga nakahawak na nito sa ibang role.
May disenteng regeneration, damage at tankiness ang hero kaya posible ding laruin sa jungle at roam position. Bukod-tangi ang kaniyang ultimate na I Am You na kayang mangopya ng skills ng kalaban kaya naman delikado kung mahahawakan ito ng magilas na user.
Guinevere
Bagamat hindi popular na pick sa meta ngayon, isa ang Guinevere sa mga multirole heroes na mayroon sa Land of dawn. May ranged at melee skills ang fighter/mage, kasabay pa ng crowd control skill kaya naman napaka-flexible ng hero.
Bukod sa mga ito, kaya ring pumunit ng Guin kung gagamitin bilang gold laner dahil sa kaniyang kit. May ilan ding sumusubok na gamitin ang hero sa jungle position dahil malaki ang damage output na kayang ilabas ng hero dala ng kaniyang passive kung saan may extra damage kapag nagamitan ng skill combo ang enemy units.
Tatlo lamang ito sa multirole heroes na mayroon sa Mobile Legends at marami pang puwedeng isama sa listahang ito. Hindi rin malabo na sa patuloy na pagpapalawak ng hero pool at pag-aadjust sa mga current heroes, mayroon pang mamayagpag na ibang karakter na kayang maglaro sa iba’t-ibang positions.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa balita at guides sa MLBB.
BASAHIN: MLBB patch 1.6.84: Ang 3 heroes na ito ang biggest winners sa pinakahuling update