Katatampukan ng tatlong karagdagang regions ang gugulong na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC 2023) sa June 10 hanggang 18.

Ito ang magmamarka bilang unang pagkakataon na lalabas ng Southeast Asia ang torneo simula noong una itong ipalabas noong 2017, at inaasahan na mas magiging matarik ang kumpetisyon ngayong 12 koponan na ang magdidikdikan para sa korona.


Mga detalye ukol sa MSC 2023

Credit: Moonton

Lalahok ang tig-iisang koponan mula North America, Middle East and North Africa (MENA), at Turkey sa inaantabayanang international bakbakan, alinsabay sa anunsyo ng Moonton noong February 18.

“The transition for the Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup into a global mid-season tournament has been planned in the pipeline for some time,” sulat ng Regional Esports Lead ng Moonton Games na si Sophie Guo sa press release.

Heto ang mga rehiyong dadalo sa naturang event at ang bilang ng kinatawan mula sa mga ito.

REGIONSLOTQUALIFYING TOURNAMENT
Philippines2MPL Philippines
Indonesia2MPL Indonesia
Malaysia1MPL Malaysia
Singapore1MPL Singapore
Cambodia1MPL Cambodia
Mekong (Thailand, Laos, and Vietnam)1Mekong qualifier
Myanmar1Myanmar qualifier
North America1North America Challenger Tournament
MENA1MPL MENA
Turkey1MLBB Turkey Championship

Gaganapin ang group stage ng MSC 2023 mula June 10 hanggang 13, habang ang Knockout stage naman ay gugulong muna June 15 hanggang June 17. Hihirangin naman ang kampeon ng torneo at third placer sa June 18.

Credit: Moonton

Lahat ng laro ay idaraos offline, at iaanunsyo ang iba pang mga detayle uko sa torneo sa mga susunod na linggo.

Sundan ang pinakahuli sa MLBB sa pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Ayon kay MobaZane, ito ang region na dapat tanggalan ng slot kung gagawing 2 NA teams sa M5