Nakahanda na ang lahat para sa ONE Esport Mobile Legends Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Dalawampung teams mula sa limabg rehiyon ang magpupukpukan sa Land of Dawn para malaman kung sino ang pinakamahusay mag-ML sa Southeast Asia ngayong taon.

Noong MPLI 2021, ONIC Esports ng Indonesia ang nakakalawit ng korona matapos ang mahusay na performance kontra sa paboritong Blacklist International. Parehong magbabalik ang dalawang bigating teams ngayong taon, katuwang ng mga pamilyar na mukha.

Heto ang lahat ng dapat malaman tungkol sa MPLI 2022, kasama na ang tournament format, mga teams na kasali, schedule at kung saan mapapanood.


Ano ang MPLI 2022?

Ang MPLI 2022 ay isang international patimpalak na magtatampok ng 20 teams mula Indonesia, Philippines, Malaysia, Singapore at Cambodia. Magsisimula ang bakbakan mula November 2 hanggang 6, kung saan mag-uuwi ng pinakamalaking bahagi ng US$100,000 prize pool ang mananaig.


Format ng MPLI 2022

Credit: ONE Esports

Binigyan ng bye papunta ng quarterfinals ang mga kampeon ng MPL regions kung kaya’t nag-aabang na sa dulo ng kani-kanilang bracket ang MPL PH S10 champion na Blacklist International, MPL ID S10 champion na ONIC Esports, MPL SG S4 champion na RSG SG at MPL MY S10 champion Team HAQ.

Samantala, natukoy naman ang placement ng 16 pang mga koponan Captain’s Draft noong October 28 kung saan namili ang kinatawan ng bawat MPL champion ng teams na gusto nilang isama sa kani-kanilang brackets.

Gugulong ang kumpetisyon ngayong November 2 at lalaruin sa single elimination, best-of-three format, liban na lamang sa grand final sa November 6 na lalaruin naman sa best-of-five serye.

BRACKET ABRACKET BBRACKET CBRACKET D
Blacklist InternationalTeam HAQONIC EsportsRSG SG
Orange EsportsSmart OmegaEVOS LegendsSlate Esports
Burn X FlashRSG PHECHOTodak
RRQ SenaAlter EgoBren EsportsONIC PH
Geek FamRebellion ZionBigetron AlphaAura Fire


Schedule ng MPLI 2022

Credit: ONE Esports

Magsisimula ang labanan sa November 2, 1 p.m. GMT+8, at magtatapos naman sa November 6.

Day 1 (November 2)

TEAMSRESULTATEAMS
Orange Esports2 — 1Burn x Flash
RRQ Sena1 — 2Geek Fam
Smart Omega0 2RSG PH
Alter Ego2 1Rebellion Zion

Day 2 (November 3)

TEAMSRESULTATEAMS
EVOS Legends2 — 1ECHO
Bren Esports2 — 1Bigetron Alpha
Slate Esports0 — 2Todak
ONIC PH1 — 2Aura Fire

Day 3 (November 4)

TEAMSRESULTATEAMS
Orange Esports1 — 2Geek Fam ID
RSG PH2 — 1Alter Ego
EVOS Legends1 — 2BREN Esports
Todak2 — 1Aura Fire

Day 4 (November 5)

TEAMSSCHEDULETEAMS
Blacklist International0 — 2Geek Fam ID
Team HAQ0 — 2RSG PH
ONIC Esports2 — 1BREN Esports
RSG SG0 — 2Todak

Day 5 (November 6)

TEAMSSCHEDULETEAMS
RSG Philippines1 — 2Geek Fam
Onic Esports2 — 0Todak
ONIC ESPORTS2 — 2 (BO5)GEEK FAM

(i-uupdate ito)


Mga teams na lalahok sa MPLI 2022

BANSAKOPONAN
CambodiaBurn x Flash
IndonesiaAlter Ego
AURA Fire
Bigetron Alpha
EVOS Legends
Geek Fam
ONIC Esports
Rebellion Zion
RRQ Sena
MalaysiaTeam HAQ
Todak
Orange Esports
PhilippinesBlacklist International
Bren Esports
ECHO
ONIC PH
RSG PH
Smart Omega
SingaporeRSG SG
Slate Esports

Saan mapapanood ang MPLI 2022?

Maaaring mapanood ang torneo sa official platforms ng ONE Esports.

BASAHIN: Kumpletong roster ng mga maglalarong teams sa MPLI 2022