Nakakasa na ang mga koponang magbabakbakan sa paparating na MPL Invitational 2022 ngayong Nobyembre. Ito ay pagkatapos gumulong ng MPLI 2022 Captain’s Draft kung saan binigyan ng pagkakataon ang MPL champions ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Singapore ng mga koponang iluluklok nila sa kani-kanilang brackets.
Nagkaroon ng tiyansa ang Team HAQ (Malaysia na mamili ng unang team sa pool matapos ang lotery para sa pagkakasunod-sunod ng pickings. Sinundan sila ng RSG SG (Singapore) at ONIC Esports (Indonesia) at pinakahuling nakapamili ang Blacklist International (Pilipinas).
Bracket at matchup ng Pinoy teams matapos ang MPLI 2022 Captain’s Draft
Maagang naghanap ng init si Coach Khairul “Pabz” Azman ng Team HAQ makaraang piliin para sa kanilang unang pick ang makamandag na Smart Omega. Kalaunan ay ikinasa nila ang dating “Kings of the SEA” kontra kapwa Pinoy team at MSC 2022 champios na RSG Philippines.
Samantala, nasa bracket naman ni Ahmad “Mars” Marsam ng ONIC Esports ang ECHO na kinuha niya sa ikalawang round para itapat sa EVOS Legends, habang ibinangga niya ang BREN Esprots sa Bigetron Alpha.
ONIC Philippines lamang ang koponan na nasa hanay ng RSG SG na kakaharapin ang matikas na Aura Fire ng Indonesia sa first round.
Teams na kinuha ng Blacklist International sa MPLI 2022 Captain’s Draft
Orange Esports galing Malaysia ang unang natipuhan ni Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza na itinapat niya sa MPL KH champions na BURN x FLASH ng kapwa Pinoy coach na si John Michael “Zico” Dizon.
Kasunod nito, ipinain ni Coach BON CHAN ang RRQ Sena sa nagbabagang Geek Fam ni Allen “Baloyskie” Baloy para kumpletuhin ang kaniyang MPLI 2022 Captain’s Draft.
Magsisimula ang single-elimination bakbakan sa MPLI 2022 sa November 2.
Sundan ang pinakahuli tungkol sa MPLI sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Kumpletong roster ng mga maglalarong teams sa MPLI 2022